Chapter 25

1K 17 0
                                    

Habang nagmemerienda kami sinugod kami ng aking mga kaibigan sila Everleaigh Lucas Borns Kennedy Luka at ang kambal na sila Aryl at Lyra.

"Kamusta kayo? Masaya ako na napadalaw kayo"

"Eto Maganda parin baks!" Ani ni Luka

"Oh My Gosh Grayson? Ikaw ba yan?" Tanong ni Everleaigh kay Grayson ngayon lang ito nakita ni Everleaigh dahil salungat lagi sila pag andito sa bahay.

"Kilala niyo siya?"

"Oo naman kapitbahay namin siya noon yung sa aparment pa kami ni Borns"

"Namiss kita Fafa Grayson! Tagal na kitang hindi nakita!" Yakap ni Borns kay Grayson.

"Pasensya na hindi ko kayo maalala lahat nagka amnesia kasi ako"

Ikinuwento ni Grayson ang mga bagay na naalala niya magkatapos siyang maaksidente.

"Ang sabi sa akin ng doctor lasing daw ako non at sabi daw ng pulis may humahabol daw sa akin noon at binanga ang sasakyang sinasakyan ko. Mabuti na lamang daw at walang nangyaring masama kay Nathalie kasama ko ito ng maaksidente ako halos 3 buwan din siyang inalagaan ng mga nurse dahil na comatose ako at ayun na nga nawalan ako ng alaala at nagka amnesia hindi ko maalala kung bakit ako hinahabol noon. Bago ako lumabas ng ospital pinuntahan ako ng tauhan ng daddy ni Nathalia at pinatuloy kami doon ng ilang buwan hangang sa pinadala na ako dito sa Pilipinas."

"Nakakalungkot naman ang nangyari sainyong mag ama may pagkakahawig din pala kayo ng karanasan ni Nathalia"

"Oo mga karanasan na ayaw ko ng maulit pa. Maari niyo ba akong kuwentuhan? Anong klaseng tao ba ako dito sa Pilipinas noon? Bakit may humahabol sa akin sa US?"

"Magpapakilala muna ako, Ako si Borns ang kapitbahay mo noon at hilig kong sungkitin ang brief mo noon Hahahhaa"

Napuno ng tawanan namin ang buong pool area nagpakilala din ang iba kay Grayson.

"Btw guys! Si Gray nga pala ang Papa ni Nathan"

"Ay! Taken mo na ang isang Fafa na yan! Akala ko pa naman maakit ko yan!"

"Ang landi mo talagang Lukang Bakla ka!"

"Ingit ka lang Kennedy bitter ka dahil hindi ka na maalala ni Grayson!"

"Baket ano ko ba si Kennedy Luka?"

"Ahh parang type mo kasi siya noon Fafa Grayson"

Pinagmerienda ko na rin ang mga kaibigan ko dito at nagswimming nadin kami sa pool pati ang mga bata.

Tumaas naman ang kilay ko ng si Kennedy naman ang kinakausap ni Grayson Maharot talaga ang lalaki na ito.

"Nangangamoy Selos dito sa bandang kaliwa ko"

Napatingin ako kay Borns ng makita kong ako ang nasa bandang kaliwa niya.

"Hoy hindi ah!"

"Mahal mo bakla?"

"Ang ingay mo lumapit ka nga sa akin! Pag ikaw nahalata nila sinasabi ko sayo lulunurin kita dito sa pool!"

"Eto na boss lalapit na ano baks Mahal mo?"

"Mahal ko ba? Hindi ko alam eh!"

"Ay sheyts kinikilig ako! Taray mo ah may Fafa Gray na may Fafa Grayson pa bigyan mo naman ako ng isa!"

Inasar pa ako ng inasar ni Borns hangang sa nagsawa siya dahil hindi ako napipikon sa pangaasar iba naman ang pinagtripan niya.

Napatingin ako ng papalapit sa akin si Aryl na may hawak pang ruler.

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon