Chapter 22

1.1K 17 0
                                    

"Mommy wake up! Pupunta po tayo ng mall ni Daddy!!"

Mabilis ko namang inimulat ang mata ko at humalik sa anak ko.

"Si Papa di mo pa kikiss mommy?"

Papa ang tawag ni Nathan kay Gray dahil Daddy na ang tawag niya kay Grayson.

Lumapit ako sa mukha ni Gray at hinalikan ito sa noo.

"Ba't hindi sa lips baby?"

"Ayoko nga! Hindi naman kita asawa!"

"Eh di magpakasal na tayo!"

"Ayoko! Bumaba na kayo hintayin niyo na lamang ako sa baba"

Pumunta agad ako sa aking banyo upang maligo. I couldn't imagine getting married to Gray one day.

Nagsuot lang ako ng plain white dress at habang bumababa ako sa hagdan napako ang tingin ko kay Grayson na naka white suit ang guwapo at linis niya tignan ngayon mukhang matinong lalaki pero ang totoo malakas ang topak nito. Mukhang nagkameeting ito.

Dahil sa kakatitig ko sakaniya ay hindi ko namalayan ang hakbang ko sa baitang ng hagdan kaya sumala ang aking apak. Kitang kita ko pa ang pagmamadali ni Grayson na lumapit sa akin ngunit nasalo na ako ni Gray.

"Palagi kita naliligtas ako ata ang Superman mo"

I looked at Grayson and saw the sadness in his eyes.

"Let's go na po mommy!" Hinila na ng anak ko ang aking kamay gusto sanang sumama ni Nathalie kaso niyakag na itong maglaro ng bunsong anak nila Everleaigh.

Ng makarating kami sa mall ay binilihan agad ng kung ano ano ni Gray si Nathan mga Damit Sapatos laruan at kung ano ano pa.

"May gusto ko bang bilihin? Baby?"

"Ako? Wala naman hehe"

Naiilang ako sa pagtawag ng Baby sa akin ni Gray ewan ko ba mas gusto ko ata ang Babe ni Grayson Charr.

Pumunta muna sa sasakyan si Gray upang ilagay ang mga napamili nilang mag ama gusto kasing mag arcade ni Nathan mahirap naman kung marami kaming dala. Habang nanonood kami sa isang Carousel dito sa gitna ng mall ng muli kong mapansin ang dalawang Lalaki na kanina pa nasunod sa amin at panay ang tingin. Nung una ay binalewala ko pero patagal ng patagl kahit saan kami lumusot andon din sila at nakakatakot kung tumingin.

"Ahm Nathan Huwag kang hihiwalay kay Mommy ah Kapit ka lang sa akin."

"Opo Mommy!"

Nagsimula akong maglakad ng mabilis lumingon ako sa likod ko at nagsimula naring sumunod ang dalawa. Patuloy lang kami sa paglalakad ng mabilis ng anak ko gusto kong tumakbo ngunit baka makaladkad ang anak ko. Sinisugurado ko din na sa matao kami nagpupunta mahirap na baka pag natyempuhan kami ay may gawin pa sila sa amin. Gusto ko man lumapit sa mga guard ngunit baka bigla nilang higitin sa akin ang anak ko.

Tumunog ang aking cellphone at mabilis ko itong sinagot hindi ko na rin nakita kung sino ito. At kinalong ko si Nathan

"Hello Nathalia? Asan kayo? Hindi ko kayo makita dito sa may carousel!"

"Babalik kami diyan Gray! May nasunod kasi samin!"

Naglakad pa kami ng maglakad hangang sa na tyempuhan ko ang dami ng tao at mabilis kong kinalong ulit ang anak ko palayo doon at hindi ko na muling nakita ang sumusunod sa amin.

Ng makabalik na kami sa Carousel ay sinalubong kami ng yakap ni Gray.

"Nag alala ako sainyo akala ko kung ano ng nangyari sainyo"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon