Chapter 53

822 12 4
                                    

A/N: Kung hindi ka sanay sa parang torture huwag mong basahin itong chapter na ito.
------------------------------------------------------------'
Nathaliana POV

Nagising ako ng binuhusan ako ng malamig na tubig. Nanlaki ang mata ko ng makita ang taong nasa harapan ko.

"Mabuti naman nagising ka na Mahal na Prinsesa kanina pa ako naghihintay dito gusto na nga kitang barilin eh"

"Dahlia!? Paanong nangyaring nakatakas ka!"

"Simple lang lumabas ako sa presinto at tumakbo Hahaha" parang nababaliw na ani nito.

"Nababaliw ka na ba!?"

"Baliw hahaha ako?" Sabay tawa nito ng malakas at bigla na lang umiyak "Baliw na nga siguro ako" At bigla itong nagalit "Ng dahil sayo! Ng dahil sayo Nawala sa akin si Grayson! Ng dahil sayo nawala ang anak ko sa akin! Ng dahil sayo! Narape ako ng isang pulis!" Tumulo ang luha sa mata nito "Sinira mo ang buhay ko!"

Nakaramdam ako ng awa hindi ko inakala na ganon kapait ang mangyayari sakaniya.

"Ng dahil sayo wasak na wasak na ang buong pagkatao ko! Kinasusuklaman kita Nathalia! Kaya Papatayin na kita!" Sabay sampal nito sa aking pisngi ng ilang beses ma halos ikahilo ko na.

"Tumigil ka na! Hindi ako may gawa lahat ng nangyayari sa iyo! Choice mo yun!"

"Oo! Ama ko ang may kasalanan ng lahat ng ito kaya nga pinatay ko siya! Dahil papatayin niya ang anak ko pag hindi kita napatay!"

Tumalikod ito at lumapit sa isang lamesa at bumalik ito sa aking harapan na may matabang kahoy na hawak at pinaghahampas sa aking katawan.

"Tama na!" Sigaw ko nanghihina na ako sa sakit.

"Ganiyan nga! Hahaha masaktan ka! Ang sarap ipukpok nito sa ulo mo pero unti unti kitang sasaktan at papatayin"

Hampas sa hita sa tuhod likod braso at kung saan saan pa pinipigilan ko ang pag sigaw dahil mas natutuwa siya pag nakikita niyang nasasaktan ako.

"Sumigaw ka Nathalia! Sumigaw ka sa sakit!" Muli itong bumalik sa lamesa at may kinuha.

Muli ako nitong binuhusan ng mas maraming tubig isang balde. At idinikit sa akin ang isang wire. Na nagpanginig sa aking buong pagkatao.

"Kuryente lang pala ang magpapatahimik sayo Nathalia! Hahaha pasalamat ka at hindi high ang voltage ito ayaw pa kita mamatay eh"

Ng tangalin nito ang wire na idinikit niya sa akin ay mas nanghina akong lalo. Hangang dito na lang yata ako.

Kinuha muli nito ang kahoy at pinaghahamapas ako kumuha ito ng kutsilyo at sinugatan ang aking pisngi at braso.

"Tama na Patayin mo nalang ako!"

"Papatayin talaga kita! Pero papahirapan muna kita!"

Suntok sabunot Sipa at hampas ng kahoy ang paulit ulit nitong ginagawa sa akin. Hirap na hirap na ako.

Panay na lamang ang pag tulo ng luha sa mga mata ko. Ngayon dapat ang araw na pinakahihintay ko ang makasal kay Grayson pero bakit ganito ang nangyari.

Sa bawat hampas sa aking katawan ay wala na akong maramdaman namanhid na sa sakit ang buong katawan ko.

"Ano masakit ba Nathalia? Mas masakit yung nangyari sa buhay ko!" Sabay iyak nito at biglang tumawa "Mabuti na lamang at tanga yung pulis na nagbabantay sa akin nakatakas ako at nakuha ko ang baril niya at binaril ang walang kuwenta kong ama"

Tumigil ito sa paghahampas sa akin at umupo sa isang upuan malapit sa akin at uminom ng alak at nagsigarilyo.

"Alam mo nung dumating sa buhay ko si Delareigh gusto ko ng mag bagong buhay. Pero yung gagong William na iyon kinuha ang anak ko at bilang kapalit ng anak ko kailangan kang mapatay at angg ama mo pero anong nangyari palpak!" Sabay inom nito ng alak "Alam mo ba kung asan ang anak ko?" Malungkot na ani nito.

Gusto ko man sabihin sakaniya ang totoo dahil alam ko ang nararamdaman niya bilang isang ina din ako pero alam kong mapapahamak si Delareigh pag nakuha niya ito.

"Hindi ko.. alam" mahina at hirap na ani ko.

Lumapit ito at sinabunutan ang aking buhok.

"Hindi mo alam!" Galit na sigaw nito " O tinatago mo? Niyo ni Andrei! Sabihin mo sa akin kung asan ang anak ko!" Bigla itong tumawa Nakakatakot ang kabaliwan nito. "Siguro may relasyon kayo ni Andrei no? Kaya ayaw mong sabihin sa akin pati anak ko inaagaw mo sa akin?"

"Kahit.. kelan hindi kita inagawan"

"Aba sumasagot ka na!" Sabay sampal nito sa akin "Nakakaawa ka" Malungkot na ani nito ng bigla muling tumawa "Hindi nagawa yung gown mo kasi pinasunog ko ang gawa ng designer na kinuha niyo kaya ang panget ng gown mo ngayon"

"Simple lang ito pero maganda hindi katulad mo hindi na nga simple hindi pa maganda" Unti unting bumabalik ang lakas ko pero hindi ganon kalakas dahil sa daming sugat kong natamo may mga dugo na nga rin sa aking lapag.

"Maganda ako!" Sabay sampal nito sa akin at tumawa "Napakamalas naman ng kasal mo hindi ka nakapunta sa simbahan siguro ay galit na galit ngayon si Grayson Yung bride mo hindi ka sinipot nakaka stress yun"

Doon ko narealize na baka akalain ni Grayson ay ayaw ko siyang pakasalan kaya hindi ako tumuloy sa simbahan. Sana ay malaman mo ang nagyari sa akin Grayson please Lord help me po.

"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito Dahlia kung bakit hindi natuloy ang kasal namin! Napakasama mo!"

"Hindi puwedeng masaya kayo tapos ako nasasaktan at miserable ang buhay! Hinding hindi ka magiging Masaya hangat nabubuhay ako"

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking mukha. Habang pilit kong kinikiskis ang lubid na nakatali sa aking paa kailangan ay makatakas ako dito.

"Napaka ganda nga ng iyong mukha mala anghel kaya siguro mahal ka ng lahat. Pag napatay na kita hihiramin ko muna ang iyong mukha ha? Magpaparetoke ako at mag papangap akong ikaw para ako ang mahalin ng lahat.

"Nababaliw ka na talaga! Kahit kailan hinding hindi mo ako magagaya! Kahit mamatay pa ako!"

"Oo nababaliw na talaga ako! Hahaha Papatayin ko kayong lahat! At magsasama kami ni Grayson!"

Ng makalaya ang aking paa ay mabilis ko siyang tinadyakan sa sikmura kaya namilipit ito sa sakit at napatungo. Sinubukan kong tangalin ang kadenang nasa aking katawan pero nabigo ako dahil hinampas na ako ni Dahlia ng kahoy malapit sa aking noo kaya dumugo ito at nakaramdam ako ng hilo.

Kinuha nito ang bote ng alak at ibinato nito ang boteng iniinom at may kinuha muli sa lamesa.

"Anong gagawin mo...Dahlia" Nanghihinang ani ko.

"Relax ka lang diyan may ituturok lang naman ako sayo." Tumawa ito ng malakas "Kung anong mangyayari sa iyo ay iyon ang epekto nitong experiment na ginawa namin noon" Itinurok nito sa akin ang isang kulay itim na likido.

Napasigaw ako sa sakit at unti unti akong nawawalan ng hininga.

Grayson ikaw na ang bahala kay Nathan at Nathalie Mahal na mahal ko kayo.. Mahal na Mahal kita..

Hangang sa unti unti ng nandidilim ang aking paningin.

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Subscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon