Chapter 58

944 17 5
                                    

Nathaliana Pov

Ilang araw ko ng hindi kinakausap at pinapansin si Grayson naiilang kasi ako sakaniya. Kasalukuyan ako nakaupo sa pool area habang umiinom ng kape.

"Hoy! Punyek! 3 days mo na akong hindi pinapansin at iniiwasan ah may problema ka ba sa akin?"

Tumayo ako at pumasok sa loob ng bahay at umupo sa sofa sa sala at nanood ng tv.

"May problema ka ba sa akin? Sabihin mo please"

Tumingin ako sa mukha nito at gusto kong matawa sa itsura nito na parang batang ayaw bilihan ng nanay ng laruan.

"Naiilang kasi ako sayo"

"Huh? Bakit naman ang tagal mo na akong nakakasama eh!"

"Hindi ko kasi alam o maalala ang pinag gagawa ko nung nagkasakit ako nahihiya ako saiyo sainyong lahat"

"Wala ka namang nakakahiyang pinag gagawa binabasag mo lang naman ung mga figurines picture frames mo tas tinatapon mo ung mga dala kong pagkain ganon lang naman"

Napatakip ako sa aking mukha at tumakbo papunta sa aking kuwarto. Gosh mga pinag gagawa ko pala noon kaya pala nawala ang mga paborito kong mga figurines.

Binuksan ko ang aking laptop at nag scroll sa facebook hindi ko pinapansin ang chat ni Graysong baliw at halos mahimatay ako ng makita kong magkakaroon ng concert ang bts.

"Ahhh!! Oh my gosh! Love Yourself World tour! I need a ticket now!"

Pumunta ako sa mga website pero puro sold out na ang ticket.

"Wtf!!! Waahhhhhhhhh!! Bakit kasi hindi ko agad nakita ito huhu"

Buong maghapon ako nagmukmok sa aking kuwarto lumabas lang ako ng tawagin na ako ni Mommy upang maghapunan.

Una kong inasikaso ang dalawang bata at ng kumakain na ito ay sarili ko naman ang inasikaso ko.

"Ang konti naman ng kinuha mo Diet ka ba? Ang sexy sexy mo na oh eto pa" sabay sandok nito ng mas maraming kanin sa aking plato at ulam.

"Ano ba wala akong gana!"

"Bakit anak may problema ka ba?" Tanong sa akin ni Mommy.

"Malungkot lang po ako kasi na sold out ung ticket ng concert ng BTS yung sa Korea nalang kasi ang natitira"

"Ayy sayang naman di ba matagal mo ng gusto makita ang mga iyon hindi bali may susunod pa naman huwag ka ng malungkot kumain ka na ng mabuti diyan para mabusog ka"

Ng matapos kaming kumain ay nakipaglaro muna ako sa mga anak ko at ng lumalim na ang gabi ay nilinisan ko na ng katawan ang mga ito at pinatulog.

"Tulog na ba sila?" Lumingon ako sa aking likuran ng mag salita si Grayson at hinalikan sa noo ang anak namin "May ipapakita ako saiyo tara doon tayo sa kuwarto ko"

"Ano?"

"Basta!"

Pumasok kami sa kaniyang kuwarto at pinaupo nito ako sa kama may kinuha ito sa cabinet at nakangiting lumapit sa akin na may hawak na photo album.

"Eto si Nathalie nung makalabas na ako sa ospital sobrang cute niya di ba"  Naluha ako dahil 1 taon siya sa litratong iyon tandang tanda ko ang mukha niya ang malulusog na pisngi niya "Eto ung namasyal kami dahil gustong gusto niya pag namamasyal kami" Madami pa siyang ipinakita sa aking video si Nathalie hangang sa lumalaki na ito.

"Yung kay Nathan Maari ko bang makita? Hindi ko rin nasubaybayan ang paglaki niya" ipinakita ko naman din dito ang mga picture at video nito.

Tawa at iyak lang kaming dalawa parang baliw na nga kami eh.

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon