Chapter 42

856 11 7
                                    

Ilang oras na kaming naghihintay dito sa labas ng ER nakatulog na sa upuan si Nathan at Nathalie na parehong nakahiga sa tig isang hita namin ni Clyead

"Clyead pag inaantok ka sandal ka lang sa akin ha?"

"Napaka maalahanin mo parin Nathalia ayan ang nagustuhan ko sayo noon eh Pero okay lang ako hindi pa naman ako antok na antok"

Nagising si Deleareigh na kalong ko at biglang umiyak.

"Hush baby don't cry" sinubuan ko ito ng baby bottle at muling nakatulog

"Mukhang anghel"

"Oo parang ina niya"

"Kaso bruha naman ang ugali ng nanay niyan"

"Shutup Clyead baka umiyak ito"

"Okay peace!" Sabay peace sign nito sa akin. Kinuha ni Clyead si Nathalie at hiniga sa kanang hita niya. "Ako na at alam kong hirap ka at kalong mo pa si Baby"

"Salamat Clyead"

Lumabas ang doctor sa loob ng ER kaya napatayo ako.

"Doc ano pong lagay nila?"

"Mr. Grayson is now okay he lost many blood but his now okay but Mr. Andrei is still in critical condition the bullet hit his chest near to his heart so we need to put him in ICU to monitor him"

"Salamat po doc"

Umalis ang doctor at unang nilabas si Grayson at dinala sa isang Private room at sunod naman si Andrei na dinala sa ICU.

"Nurse puwede na ba kami bumisita kay Andrei yung nasa ICU?

"Sorry po pero bukas pa po puwede"

"Okay I understand"

Nang maiayos na ng mga nurse si Grayson ay umalis naman kaagad ang mga ito hiniga naman ni Clyead si Nathan at Nathalie sa kabilang kama si Baby Delareigh naman ay sa tabi din ng mga ito hindi naman malikot matulog ang mga anak ko.

"Bibili muna ako ng gatas at baby bottle para kay baby"

"Sige Clyead salamat"

Lumapit ako kay Grayson at hinawakan ang kamay nito bakas parin ang mga pasa at sugat sa mga parte ng katawan nito.

"Grayson I Love You please wake up We need you"

"I Love you too" Sabay mulat nito ng mga mata.

Nanlaki naman ang mga mata ko at mabilis na binitiwan ang kamay nito.

"Anong I Love You too ang pinagsasabi mo diyan! Nababaliw ka ba?"

"Ayy akala ko nag I Love You ka saken!"

"Akala mo lang iyon! Gising ka na pala bakit nagtulog tulugan ka pa!"

"Para mabuhat at mahawakan ako nung mga sexy na nurse kanina!"

Nandilim naman ang paningin ko at hinampas ito sa mukha.

"Aray naman Punyek! May mga pasa at sugat ako nakalimutan mo ba!"

"Kanina naawa pa ako sa mukha mo pero sa kamanyakan mo nawala ang awa na nararamdaman ko!"

"Kow Nagseselos ka lang Punyek ko"

"Punyek ko? Kadiri naman!"

"Eh anong gusto mo Babe?" Namula naman ang pisngi ko dahil weakness ko talaga pag tinatawag akong babe ng mga crush or boyfriend ko noon pa man "Uyy Babe nga ang gusto niya namula ang pisngi eh"

Iniwas ko sakaniya ang tingin ko pero hinawakan niya ako sa baba ko at pinilit na tumingin sakaniya. Napatitig ako sa kaniyang asul na mata.

"Babe" Para akong lobong binatawan kaya nawalan ng hagin sa pagkatulala sakaniya.

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon