Kanan,Kaliwa at kung saan saan pa ako dumaan ngunit nanatili paring nakasunod sa amin ang itim na van. Sinubukan kong dumaan sa isang express way at binilisan ang pagmamaneho ngunit nahahabol padin kami. Kung ang lamborghini ko lang sana ang dala ko baka nagawa ko silang takasan.
Habang tumatagal mas lalo akong
nag-aalala at kinakabahan para sa mga anak ko. Gusto kong tumigil sa mga pulis ngunit baka pag babarilin kami ng mga tao sa itim na van so I have no choice.Ng makalagpas kami sa express way mas lalo akong nakaramdam ng takot. Dahil puro bangin ang aming nadadaanan. At hindi na ganon karami ang mga sasakyang nadaan.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni Daddy ngunit hindi niya sinasagot kaya sinubukan kong magtext ngunit nahulog ito ng bangain kami ng itim na van.
Walang tigil na binanga nito ang kotse sinasakyan namin ng anak ko kaya tumigil ako sa gilid upang kuhanin ang dalawa kong anak at yakapin hindi ko maaring hayaang sa backseat padin sila iupo. Nasira na rin ang harang ng kalsada at lumawit na ang kalahati ng kotseng aming sinasakyan pagilid itong unti unti nahuhulog sa bangin tanging ang gulong nalamang ang kumakapit. Niyakap ko ng mahigpit ang dalawa kong anak at nagdasal ng pagbabarilin ng mga lalaking nakaitim at mask ang aming sasakyan natatakot ako na baka tamaan sila. Kaya hinarang ko ng mabuti ang aking sarili.
Nakaramdam ako ng hapdi ng tamaan ang aking bewang at braso at unti-unti ng nagdilim ang aking paningin.
Naririnig ko ang iyak ng aking anak kaya mabilis ko inimulat ang aking mga mata. Inilibot ko ang paningin ko nakita ko si Daddy na namumula ang mga mata at mga kaibigan ko na umiiyak.
Mabilis akong tumayo kahit masakit parin ang tama ng mga bala upang puntahan sa kabilang kama ang mga anak ko.
Ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng si Nathan lamang ang aking nakita.
"Asan si Nathalie!? Dad! Where's Nathalie!"
Umiling lang si daddy at mas lumakas ang iyak ng aking mga kaibigan.
"Wala na siya anak. Nabukas ang kabilang pinto sabi ng mga pulis na nagimbestiga maaring nagkasira ang kotse dahil sa pagkakabanga at nawalan rin ng mga kontrol sa pinto. At mas nakumpirma pa ito ng sumabit ang isang maliit na piraso ng jacket ng anak mo bago ito nahulog sa bangin at nahulog sa dagat. I'm so sorry anak."
Ayaw iproseso ng utak ko ang mga sinasabi ni Daddy. Bakit kailangan ang anak ko? Baby pa lamang siya at marami pang puwedeng gawin sa mundo. Wala akong tigil sa pag-iyak sobrang sakit sa isang ina na mawalan ng anak.
"Saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko iyong bangin at tatalunin ko hahanapin ko ang anak ko!"
Mabilis akong pinigilan ni Daddy at tumawag ng nurse si Cris.
"Nababaliw ka na ba! Wala ng nabubuhay pag nahulog doon sa sobrang lalakas ng alon."
"Daddy! Nararamdaman kong buhay pa ang anak ko!"
"I'm so sorry anak"
May lumapit sa aking nurse at may itinurok sa akin hangang sa naramdaman ko ang panghihina at pagka antok.
Isang linggo kaming nanatili sa ospital bago ako pinayagang umuwi. Tumigil na ang mga rescuer sa paghahanap sa anak ko bukod sa wala silang makita ay malabo na daw talaga.
Pagpasok ko sa palasyo ay katahimikan ang sumalubong sa akin umakyat agad ako sa taas habang kalong ang natutulog na si Nathan. Inihiga ko ito sa kama at wala akong ibang ginawa kundi titigan lamang siya.
Mamahalin kita anak. Kung nasaan man ngayon ang kakambal mo mamahalin ko parin kayong dalawa ng higit sa buhay ko.
Sinisisi ko parin ang aking sarili kung sana lang ay hindi na kami nag mall hindi na sana mangyayari iyon.
Umiyak ako ng tahimik dahil baka magising ang anak ko. Gusto ko sumunod kay Natahlie gusto ko ng wakasan ang buhay ko sa sakit. Ngunit ayoko naman ang anak kong si Nathan ang mawalan kaya magpapakatatag ako para sakaniya.
"Sigurado ka na ba?"
"Yes daddy siguradong sigurado na po ako"
Ngayon ang flight namin sa Pilipinas doon kami titira hindi ko na nanainisin pang manatili sa bansang ito ayaw ko ng mawalan pa ng anak. Kung ang paglayo sa US ang natatanging paraan para mailigtas ko siya sa pahamakan ay gagawin ko. Maganda ang USA ngunit kumplikado ito dahil sa estado ng aming buhay.
"Mag-iingat kayo ng apo ko doon. Hahanap ako ng isang bodyguard para protektahan kayo. Pangakong dadalaw ako paminsan minsa mamimiss kita anak mamimiss din kita apo." Humalik ito sa aking ulo pati sa noo ng aking anak na yumakap kay Daddy.
Hindi ko nais na iwan si Daddy dito ngunit kailangan kong ilayo ang anak ko sa kapahamakan maaring maulit ang nangyari kaya natatakot ako.
"Mamimiss ka din namin daddy. Gusto kitang isama pero alam kong mahal mo ang paglilingkod sa bansang ito. Magiingat ka po din palagi"
Binuhat ko ang aking anak at umakyat kami sa taas nag aaabang kasi doon ang helicopter na aming sasakyan papunta sa aiport. May kaonti pa akong trauma sa kotse.
Kumaway kami kay daddy hangang sa tuluyan ng umandar ang helicopter na aming sinasakyan at hinatid kami sa Clyead Airlines.
Ng makarating kami sa aiport ay pinaligiran na agad kami ng security at pinasakay sa private plane at kaagad na itong umalis. Ilang oras ang binyahe namin bago kami nakarating sa Pilipinas.
Pagdating namin sa airport ay sila Everleaigh Lucas at mga anak nila ang sumundo sa amin. Sa Hotel ko muna kami magsstay ng anak ko habang wala pa kaming nahahanap na bahay na matitirahan.
Nagkwentuhan kami ni Everleaigh habang kami ay nasa byahe papunta sa aking hotel. Paminsan minsan ay nababangit si Nathalie kaya ako'y nalulungkot ngunit kailangan ko ng tangapin na hindi para talaga sa akin ang anak ko. Kung gaano ko siya kahirap at katagal ipinanganak at inalagaan ganon din pala siya kabilis kukuhanin sa akin.
Ng maihatid na nila kami sa hotel ay dumaretso nadin sila pauwi malapet lang naman ang bahay nila dito at kami ay magkikita kita naman ulit bukas.
Sinalubong kami ng mga nakangiti naming staff at ng makarating na kami sa Royal Suite ay agad kong hiniga si Nathan na nakatulog sa byahe at inayos ko ang mga gamit na aming dala. Nahagip ng mata ko ang necklace na kinuha ko sa ama nila bago ako umalis ng may mangyari sa amin at isinuot ko ito kay Nathan.
Sumilip ako sa malaking glass sa kuwarto naming tinutuluyan at tinignan ang maganda view at malalaking Gusali.
New Place New life...
To be Continued...
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and VoteAdd me on Facebook: Lexandra Togepi
Like my page (Lexandra_togepi)
https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks
Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepiTiktok
Username: LexAndrA_TogepiThankyouuu😘😘
Love,
LexAndrA_Togepi
BINABASA MO ANG
The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)
AksiAko si Nathaliana Scott ang nagiisang pasaway na anak ni President Garvien Scott. Na nasangkot sa madaming issue sa aming bansa. At nabuntis ng hindi kilala ang tatay ng anak Ilang beses na akong napahamak pero dahil malupit ang katigasan ng ulo ko...