12 hours ang biyahe namin Philippines to USA mas mabilis kumpara kung sa airport pa kami nagbook ng flight talagang updated kasi lagi itong Private plane ni daddy na mas pinabilis kumpara sa mga ordinaryong eroplano.
"Ang bonga ng eroplano niyo daig pa first class!"
"Maarte kasi si Dad gusto niya parang bahay lang ang loob ng eroplano para relax ang byahe"
Humiga si Grayson sa kama at tumitig sa akin ng malagkit.
"Tara dito sa tabi ko Nathalia!"
"Mukha mo! Kadiri ka!"
"Kow gusto mo naman ah?"
"Kapal mo!"
Tinulak ko siya hangang sa mahulog siya sa lapag at ako ang humiga sa kama gusto kong magpahinga dahil mapapasabak ako pagkadating ko sa US ang dalawang bata ay tulog sa kabilang kuwarto ng eroplano.
"Saan ako matutulog Boss?"
"Diyan ka sa lapag manyak ka kasi! Huwag mo na akong guluhin kailangan kong ihanda ang sarili ko mamaya." Sabay pikit sa aking mga mata.
Mukhang nakinig naman ito dahil masarap ang naging tulog ko at sakto naman ng ako'y magising pa landing na ang eroplanong sinasakyan namin.
Tumayo ako upang mag inat at tinadyakan si Grayson na nakangangang natutulog sa lapag.
"Hoy Punyok! Gising diyan! Andito na tayo!"
"Ano ba Punyek! Bakit ka naninipa!"
"Wtf anong Punyek!"
"Eh tinawag mo akong Punyok eh san mo ba napulot yon?"
"Imbento ko!"
"Edi imbento ko din yung Punyek! Simula ngayon ayun ang endearment natin!"
Siniringan ko nalang ito at hinawakan ang kamay ng dalawang batang excited ng bumaba. Sinalubong kami ng Limousine na puti at doon kami sumakay ang mga guards na ang bahalang magdala sa mga gamit namin na nasa eroplano pa.
Saglit lang ay binyahe namin at nakarating na rin kami sa President Palace. Nagaabang sa amin si Daddy sa labas pati ang mga security at guard.
"Welcome back Anak, Grayson at mga cute kong apo!!" Sabay yakap nito kay Nathan at Nathalie. Kahit hindi ko totoong anak si Nathalie ay apo padin ang turing ni daddy dito dahil napamahal nadin siya dito.
Nag almusal lamang kami at inayos ko ang mga gamit namin. Naligo ako at nagsuot ng Black semi croptop sando Black pants Black leather jacket and black boots pati nadin black panty and black bra char! At inipitan ko ang aking buhok. Nagsuot din ako ng belt bag na puwedeng suksukan ng baril at kutsilyo.
Tinignan ko ang kutsilyo kong may nakaukit na aking pangalan pati narin ang baril na parehas na kulay black ipinagawa ito ni Daddy sa akin noon upang aking pang self defense pati narin ang pepper spray at tracker device na kailangan mo lang lagyan ng itim na maliit na dot ang nais mong matrack ay mabilis mo na itong masusundan.
Bumukas ang pinto at napatingin ako kung sino man ang nagbukas nito.
"Itutuloy mo talaga? Ayaw mo bang magpahinga muna?"
"Gusto kong malaman ang katotohanan Grayson wala akong oras upang magpahinga"
"Ang tigas talaga ng iyong ulo Sasama ako sayo kung ganon ayokong mapahamak ka.
"Sige magbihis ka at bumalik ka dito at ng mabigyan kita ng mga kagamitan"
Maya maya lang ay bumalik na siya na kapareho ang aking suot.
BINABASA MO ANG
The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)
ActionAko si Nathaliana Scott ang nagiisang pasaway na anak ni President Garvien Scott. Na nasangkot sa madaming issue sa aming bansa. At nabuntis ng hindi kilala ang tatay ng anak Ilang beses na akong napahamak pero dahil malupit ang katigasan ng ulo ko...