Chapter 24

1.1K 16 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula ng may mangyari sa amin ni Grayson isang linggo na rin ang nakakaraan ng kami ay nagpansinan nito. Pakiramdam ko ay iniiwasan niya ako kaya ako nalang din ay umiiwas nadin sa kaniya.

Isang linggo narin siyang hindi umuuwi dito sa bahay simula ng nakita ko silang naglalandian sa sala ni Dahlia ay sumama siya dito at hangang ngayon ay hindi padin bumabalik.

"I want to see Daddy please Mommy Nathalia" malungkot at matamlay na ani ni Nathalie nandito kami ngayon sa ospital dahil nagka dengue ito siguro ay sa tuwing naglalaro sila sa labas ay nakagat ito ng lamok.

"Yes baby! Tinatawagan ko na si Daddy mo" Pumukit ito hangang sa nakatulog habang hinihimas ko ang buhok nito parang anak narin ang turing ko kay Nathalie ako ang umasikaso dito ng hindi na muling bumalik si Grayson.

Muli kong tinawagan ang cellphone number ni Grayson siguro ay pang labing isang tawag ko na ito pero kahit isa ay wala siyang sinasagot. Napaka walang kuwentang ama at ina ng Dahlia na yan!

"Ma'am kailangan na po masalinan ng dugo ang patient wala padin po ba ang daddy niya?"

"Wala padin eh puwede ba akong magtry? Baka sakaling match kami."

"Sure po Ma'am"

"Ikaw na muna ang bahala sakaniya Everleaigh salamat".

"Walang problema Nathalia magtatry din ako baka sakaling match kami"

Sumunod ako sa nurse at pumasok kami sa isang kuwarto at kinuhanan niya ako ng blood sample.

Naghintay lang ako ng mga ilang oras at lumabas na ang resulta.

"Ma'am match po kayo AB- (AB Negative) din po ang patient nahirapan po talaga kaming humanap ng dugo para sakaniya dahil rare po talaga"

"Mabuti naman kung ganon sige kuhanan mo ako kahit gaano pa kadaming dugo basta maging ayos lang ang kalagayan ni Nathalie"

Hindi ako makapaniwala na same blood type kami ni Nathalie dahil bihira lang talaga ang magkaroon ng ganoong type ng blood malimit ay sa pamilya lang namin.

Makalipas ang ilang oras natapos nadin akong kuhanan ng dugo na sapat para kay Nathalie kahit medyo nahihilo at nakaramdam ako ng panghihina ay itinuloy ko parin ang pagaalaga dito dahil kailangan na rin umuwi ni Everleaigh.

Sa Isang linggo naming pananatili dito sa ospital ay paminsan minsan ay bumibisita si Nathan at sila Everleaigh Lucas ang mga anak nito at si Borns. Pero hindi man lang nagawa makabisita ni Grayson. Dahil hindi ko siya macontact sa pagtawag kaya tinext ko na lamang ito ngunit nanatiling walang sagot ito. Ngayon ang araw na uuwi kami dahil sa wakas galing na si Nathalie hinihintay na lang namin ang pagdating ni Nathan at Gray dahil sila ang susundo sa amin.

"Nathalie! Mommy!" Sigaw ni Nathan at sinalubong kami nito ng yakap.

Sumakay kami agad sa sasakyan ni Gray at tumahak na kami pauwi.

Pagkapasok ko sa bahay ay talaga namang nandilim ang paningin ko ng makita kong nandito si Grayson at Dahlia.

"Ahm Gray pakiakyat at patulugin mo na ang dalawang bata sa kuwarto ko"

Niyakag ni Gray ang dalawang bata yumakap lang sandali si Nathalie sa Daddy niya at sumama nadin ito kala Nathan.

Ng mawala na ang mga bata sinugod ko agad ang dalawa at sinampal.

"Paano niya nagawang tiisin ang anak niyo? Napunta sa peligro ang buhay ni Nathalie! Hindi biro ang dengue! Napaka walang kuwenta niyong mga magulang! May sakit at nasa ospital ang anak niyo hindi niyo man lang inisip at nabisita!"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon