Chapter 16

1.2K 20 0
                                    

2 years later.

Kasalukuyan kaming nakasakay ni Calvienson ang aking anak sa bago kong bili na Lamborghini. Iniwan ko na sa USA ang dati kong kotse. Papunta kami ngayon sa Togepi Luxury Village kung saan din nakatira sila Lucas. Nagpagawa kasi ako ng sarili naming bahay doon sa tabi ng bahay nila Everleaigh isang taon na ang nakakalipas. Gusto ko kasing maramdaman ni Calvienson ang vibes ng home sweet home.

"Are you excited to see our house baby?"

"Yes mommy! I'm not baby anymowe I'm 4 na po"

"You're still my baby!"

"I'm excited mommy! I want to play with Leavhon and Leavhaene!" Pagtukoy nito sa dalawang anak ni Lucas at Everleaigh.

"Sure baby!"

Isa din iyon sa dahilan kung bakit ako nag pagawa ng sariling bahay upang makapag laro si Nathan at hindi puro gadgets tulad ng mga ibang bata ngayon.

Ng nasa tapat ng kami ng village hinarang kami agad ng guard pinakita ko naman ang card ko at pinapasok nila kami pagkatapos ng mga pagsscan. Eto din ang nagustuhan ko sa Village na ito ang mahigpit na security para sa kaligtasan ng lahat.

Ng makarating na kami sa mismong street at tapat ng bahay namin naghihintay doon sila Everleaigh mabilis kong itinigil at ipinark sa tabi ang aking kotse at nakipagkamustahan sakanila. Pinapasok muna nila kami sa malaki nilang bahay at kami ay pinag merienda. Habang busy naman si Nathan pakikipaglaro sa dalawang anak nila Everleaigh.

"Mommy! let's go and see ouw house!" Hinila agad ako ng tatlong bata kahit ang anak nila Lucas ay excited din na makita ang aming bahay.

Lumabas kami at binuksan ko ang aming gate. At nagtakbuhan agad ang mga batuta sa loob ng bahay.

"Careful!" Sabay na ani namin ni EverLeaigh kaya parehas kaming natawa iba kasi talaga ang kakulitan ng mga bata.

Garden ang unang sasalubong sayo na nasa Left side malapet sa garahe na apat na sasakyan ang kasya sa kanan naman ang mini swimming pool na hugis korona katulad ng pool ko sa aking hotel mini version nga lang ito.

Pumasok kami agad sa loob dahil baka kung saan saan na lumusot ang mga bata
Mini Lounge area ang unang sasalubong sayo na napapaligiran ng picture ko ni Daddy at ng kambal na anak ko ang unang sasalubong sayo. Sa kanan ay ang aming living room at sa kaliwa naman ay may pader na nakaharang at doon ang aming kitchen at bar counter. Sa second floor ay may limang kwarto. Na pinasadya kong connecting room ang tatlong kwarto.
Sa pinaka rooftop naman ay may helicopter landing pad para kung sakaling gusto ni daddy bumisita dito. May elevator din sa aming bahay dahil iyon ang hiling ni Nathan. May escalator din sana kaso hindi ako pumayag dahil baka mag mukhang mall na ang bahay.

Bukas ay darating si Nanay Cons dito upang samahan kami sa bahay. Miss na miss ko nadin kasi siya. At upang tulungan daw ako nito sa gawaing bahay.

Ng mag gabi na ay umuwi na ang pamilya nila Lucas. Kaya naman kinalong ko na paakyat si Nathan.

"Pawis pawis ang baby ko kahit may aircon na likot mo kasi!"

"Sowwy mommy! Naexcite lang po ako mag play"

"Okay lang baby na maglaro ka basta kung saan ka happy happy din si Mommy"

Sinimulan ko ng paliguan siya at ako naman ang sumunod. Nauna ko din muna siyang bihisan bago ako. Sa ngayon magkatabi muna kaming matutulog ayaw niya pa kasi magsolo ng kwarto. At gusto ko din makatabi ang baby ko.

Inaayos ko ang mga unan ng magtanong siya sa akin.

"Mommy whewe's my daddy?"

"I don't know baby sorry."

"I want to have a daddy like Leavhon and Leavhaene"

"I'm sorry baby hindi kita nabigyan ng complete family ni mommy"

"I undewstand mommy happy naman po ako na ikaw ang mommy ko! Alam ko pong mahahanap natin si daddy"

"Yes baby sleep ka na kakantahan ka na ni mommy"

Ayaw ko paniwalain ang anak ko na makikita pa namin ang daddy niya pero hangang ngayon ay umaasa padin siya mas lalo ang nasasaktan at nahihirapan dahil ako ang may gawa kung bakit wala siyang daddy ngayon.

Mahimbing na siyang nakatulog maya maya lang habang yakap ang pink teddy bear na pag-aari ni Nathalie may pagkakataon kasi na namimiss niya ito. Ganon din naman ako pero pilit kong kinakaya dahil hindi siya mananahimik hanga't hindi ko pinapakawalan ang alaala ko sa aking pumanaw na anak.

Busy ako sa pag lalaptop dahil inaayos ko ang mga bagay bagay sa hotel ng mag video call si Daddy kaya agad ko itong sinagot.

"Remember the guy who help me 1 year ago?"

"Yes daddy ung nag stay sainyo ngayon?"

Sobrang saya ni daddy ng sa tinagal ng panahon ay sa wakas nahanap niya ang lalaking nagligtas noon kay Nathalie at sakaniya nung sila ay na kidnap hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makita ito dahil busy kaming pareho. Pero ipinahatid ko na lang ang pasasalamat ko sakaniya

"After protecting ang staying with me ng 5 months finally pumayag siya na ikaw naman ang bantayan niya."

"Wow dad ah! Parang pinilit mo pa siya."

"Hahahaha medyo nagaalangan pa kasi siya dahil baka hindi pumayag ang anak niyang babae na cute na cute. Nathalie pa ang pangalan anak."

Nakaramdam muli ako ng lungkot at pangungulila ng marinig ko ang pangalan ng anak kong pumanaw.

"I'm sorry anak kung nabangit ko pa ang pangalan ng aking apo. Parang apo nadin kasi ang naging turing ko sa batang iyon na anak ni Grayson."

"It's okay Daddy. So Grayson pala ang pangalan niya"

"Yes! Hindi niya pa lahat naalala. Ang sabi niya ay maaring malabo niya ng maalala ang iba kung pilit niya itong iisipin. And btw he's a policeman in Laguna and sabay sila bukas na makakarating diyan ni Nanay Cons mo. Matulog kana Nathaliana alam kong gabi na diyan Goodnight I love you and I miss you anak"

"Goodnight I Love you and I miss you too dad see you soon!"

"Okay see you soon pag hindi ako busy bisitahin ko kayo diyan.

At binaba ko na ang linya at ipinatong ang aking laptop sa lamesa. Kailangan ko ng matulog dahil maaga akong magluluto para sa pag dating nila.

To be Continued...

A/N: Imagine nalang na may Helicopter landing pad ung rooftop😘

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Subscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon