Grayson POV.
Hindi na ako halos mapakali sa aking inuupuan. Natatakot ako sa kung anong maaring mangyari kay Nathalia hindi ko makakaya kung mawawala siya sa akin.
"U turn Andrei! Ayun sa kabilang kalsada ang bridal car!" Sigaw ni Clyead sa nagmamanehong si Andrei.
Mabilis itong nag U-turn at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan hangang sa naabutan namin ang bridal car na paliko sa isang Subdivision at mabilis na iniharang ni Andrei ang kaniyang sasakyan upang mapahinto ang bridal car.
Agad akong bumaba sa kotse at pinaghahampas ang bintana ng kotse.
"Lumabas ka diyan!"
Binuksan naman nito ang pinto at sinakal ko ang driver ng bridal car.
"Sir huwag niyo po akong sasaktan"
"Masasaktan ka pag hindi mo sinabi sa akin kung asan si Nathalia! Saan mo siya dinala!?"
"Sir napag utusan lang po ako ni Miss Dahlia kailangan na kailangan ko lang po talaga ng pera para sa pamilya ko"
"Makukulong ka parin Gago! Saan mo siya dinala!"
Ibinigay nito sa akin ang isang address. Nagdatingan naman ang dalawang police car.
"Tama na Grayson ang mga pulis na ang bahala sakaniya kailangan na nating mapuntahan agad si Nathalia"
Mabilis akong sumakay sa kotse ni Andrei at nakasunod naman sa amin ang isang police car.
"Tumawag nadin ako ng back up pa na malapit sa lugar nahack ko nadin ang mga cctv sa lugar na iyon at nasa isang abandonadong warehouse dinala si Nathalia.
Sa buong biyahe namin ay galit kay Dahlia lamang ang aking nararamdaman at ang pagaalala kay Nathalia.
"Itigil mo andito na tayo" ani ni Clyead
Bumaba agad ako sa sasakyan at kinasa ang aking baril mabuti na yung handa.
Pinalibutan ng mga pulis ang buong building at ang iba ay nagsimula ng pumasok at ako naman ay sumunod.
Mabilis kaming umakyat sa pangalawang palapag ng building at halos manlaki ang mata ko ng kinasa ni Dahlia ang baril at itinutok kay Nathalia pero nabitawan niya ang kaniyang baril ng barilin ng isang pulis ang kaniyang kamay at sinugod siya ng mga ito at pinosasan
Tumakbo ako papalapit sa walang malay na si Nathalia na puro sugat pasa at puro dugo na sa kaniyang lapag. Hinawakan ko ito sa mukha at pinilit gisingin.
"Nathalia! Nathalia! Gumising ka!"
Hindi ko maiwasan ang hindi maiyak naawa ako sa nangyari kay Nathalia"Hahahaha huli ka na Mahal kong Grayson sa sobrang grabi ng ginawa ko sakaniya patay na ang babaeng iyan!"
Nandilim ang paningin ko at sinugod ko si Dahlia pero pinigilan ako ni Andrei.
"Ako na ang bahala kay Dahlia dalahin niyo na kaagad sa ospital si Nathalia"
Tinulungan ako ng ibang pulis na tangalin ang kadenang nasa katawan ni Nathalia at ng matangal ito ay halos bumagsak na ang katawan ni Nathalia sa sahig buti na lamang at nasalo ko siya. Binuhat ko ito at kaagad isinakay sa kotse ni Andrei at si Clyead ang nagmaneho.
Mabilis kaming nakarating sa ospital at binuhat kong muli si Nathalia at sinalubong naman kami ng mga nurse na may dalang strecher. At mabilis naming itinakbo sa Emergency room si Nathalia.
"Sir hangang dito na lamang po kayo hindi po kayo puwede sa loob" pag pigil sa akin ng isang nurse.
"Please iligtas niyo siya" tumango ang nurse at pumasok sa loob ng ER.
BINABASA MO ANG
The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)
ActionAko si Nathaliana Scott ang nagiisang pasaway na anak ni President Garvien Scott. Na nasangkot sa madaming issue sa aming bansa. At nabuntis ng hindi kilala ang tatay ng anak Ilang beses na akong napahamak pero dahil malupit ang katigasan ng ulo ko...