Chapter 37

812 12 0
                                    

Iminulat ko ang aking mata nakaramdam ako ng sakit ng katawan at inilibot ko ang aking paningin.

"Mabuti naman at gising ka na anak sobrang nag alala ako sayo" ani ni Daddy

"Nathalia masaya ako na gising ka na" ani ni Gray.

"Sino kayo? Nasan ako!"

"Ako ito si Gray ang asawa mo at patay na patay ka sa akin"

"GAGO!" Hindi ko maiwasang matawa dapat ay tatagalan ko pa ang pagpa pangap na may amnesia ako.

"Tama na ang biro Nathalia anong ginagawa mo sa Manila nung araw na yun? Naaksidente ka tuloy"

"Sorry Daddy kung nag alala ka ng dahil sa akin pero nakita ko si Mommy Dad!"

"Anak wala na ang Mommy mo baka namamalik mata ka lang dahil sa gutom dahil sabi ni Nanay Cons ay hindi ka kumain ng araw na yun."

"Pero nakita ko siya dad! Malinaw sa aking paningin!"

"Kung totoong buhay ang Mommy mo matagal na siyang nagpakita sa atin anak at pinatest mo na ang abo niya di ba? And It's 100% sure positive"

Nalungkot ako dahil tama ang Daddy walang dahilan upang hindi magpakita si Mommy kung talaga buhay siya.

"Mag pahinga ka na babalik din ako ng Washington mamaya sa ngayon ay pupuntahan ko lang ang mga apo ko si Gray na muna ang bahalang magbantay sayo" sinari ni Daddy ang pinto at umalis ito.

"Oh uminom ka muna ng tubig alam kong uhaw ka at 3 araw kang tulog at walang malay"

"3 days? Wtf!"

"Totoo lasing ang nakabanga sa sasakyan mo mabuti na lamang at naka seat belt ka kaya hindi ka tumalsik pero tumama ang ulo mo mabuti na lamang matigas ang ulo mo at hindi ka nagka amnesia bakit hindi ka kasi nag helmet"

"Ay gago ka ba! Ano ko racer? Naka helmet pero naka kotse nababaliw ka na naman"

"Nga pala gustong gusto ka ng makita ng mga bata buti bukas ay puwede ka ng umuwi"

"Miss ko na din sila ahm si Grayson?"

"Simula nung nag usap sila ni Dahlia ay sumama si Grayson dito sinugod nga namin sa ospital si Dahlia dahil dinugo ayaw kasing tumigil nito sa pagiiyak nung hindi siya kinakausap ni Grayson naging maselan ang pagbubuntis nito kaya siguro hangang ngayon hindi makabisita si Grayson sa mga bata. Nakauwi na ako sa bahay non ng may tumawag sa telepono niyo ako na ang sumagot dahil nagluluto non si Nanay Cons at iyon nga Nurse at sinabing naaksidente ka si Nanay Cons nadin ang nagsabi sa Daddy mo kaya agad yung pumunta dito sa Pilipinas.

"Salamat Gray dahil palagi kang nandiyan para sa akin"

"Hinding hindi ako mawawala sa iyong tabi"

"Salamat nabaliaan ba ako? Hindi ko maigalaw ang kaliwa kong paa"

"Oo kaya sinementuhan yan binilihan ka na ng Daddy mo ng saklay pero aalalayan padin kita dahil alam kong mahihirapan ka."

Kinabukasan ay pinayagan na akong umuwi ng doctor. Nasa pagawaan pa ang sasakyan ko ang nakabanga ang nagpa ayos nito anak ng Gobernador pala ang nakabanga sa aking sasakyan kaya hindi ito nakulong dahil hindi nadin ako nagsampa ng kaso dahil hindi din naman ako naka focus sa daan nung araw na yun.

"Mommy!!" Lumambitin agad sa akin ang dalawa kong anak ni pinagyayakap at halik ko naman. Dahil naka saklay ako ay bumagsak ako mabuti na lamang ay carpet ang nabagsakan ko

"Sorry Mommy sobrang namiss ka po kasi namin Mommy!"

"Okay lang Namiss ko din kayo! Kiss Mommy!"

Nahihirapan ako sa pag kilos pero nakakayanan ko naman 2 linggo pa bago gumaling ang aking hita at tangalin ang semento nito. Si Gray ang naghatid sa mga bata sa school dahil pasukan na naman ng mga ito matatagalan pa kasi pag ako'y sumama.

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan na araw araw ay challenge sa akin. Magpapagawa na talaga ako ng Elevator! Dumulas ang aking saklay dahil may basa pala sa hagdan kaya pumikit ako at hinanda ang sarili na masaktan tutal sanay naman na akong masaktan. Ngunit wala akong naramdaman na sakit kundi yakap ng kung sino man. Ohh! lambot yummy!

"Mag iingat ka lagi Nathalia. Pero bakit naka saklay ka anong nangyari sayo?" Ani ni Grayson habang buhat ako at inilapag sa sofa"

"Ahm naaksidente ako may nakabanga sa akin" nakatungo kong ani ayaw kong tumingin sa kaniyang mga mukha lalong lalo na sa asul niyang mga mata."

"Let's talk Nathalia"

"About what?"

"I'm sorry hindi ko alam na mabubuntis ko si Dahlia hindi din ako palaging makakabisita sa anak ko ayaw naman siya ipasama sa akin ni Dahlia maselan ang kaniyang pagbubuntis"

"Naiintindihan ko Grayson hindi ko din nanainisin na isama mo ang anak ko at baka anong pang gawin ng babae na iyon kay Nathalie"

Inagaw ko sakaniya ang aking saklay at pumunta ako sa kusina at kumuha ng tatlong bote ng wine sa ref at 2 bucket ng ice at dumaretso ako sa pool area. Saktong malakas kasi ang ulan tamang tama Wine + rain = happiness. Sayang lang at hindi ako puwedeng maligo sa malakas na ulan at malakas na simoy ng hangin at baka ikadena ako nila Gray.

"May problema ka ba sakin Nathalia? Parang iniiwasan mo ako" sumunod pala sa akin ang pesteng lalaking ito.

"Walang ganon Grayson"

"Hindi ka nga tumitingin sa akin"

Tinapangan ko ang aking sarili at tumitig ako sakaniyang mukha. Ayoko siyang tignan dahil nasasaktan ako na kahit gustuhin ko man siyang mapa sa akin ay hindi na maari.

"Ang sakit mo kasi sa mata"

"Gwapo ko kaya"

"Your not gwapo! Babaero kamo"

Sumeryoso ang mukha nito.

"I love you Nathalia but I hurt you"

"You didn't hurt me Grayson because
I don't love you"

"I'm glad I didn't hurt you Nathalia because I couldn't bear to know that I hurt you because I love you even though you don't love me" malamig na ani ni Grayson.

Mahal mo ako? Pero paulit ulit mo akong sinasaktan. Mahal kita Grayson Mahal na Mahal pero mali na kaya wala ng dahilan upang malaman mo pa

Kinuha ko ang aking baso at nilagyan ito ng yelo at wine at inistraight ko ang inom sa aking wine at muli akong nagsalin.
Tumingin ako sa mga patak ng ulan sa pool habang umiinom ng aking wine.

Napatingin ako kay Grayson ng nandito padin siya sa aking harapan.

"Leave me alone Grayson"

Tumalikod siya sa akin at dare daretsong naglakad siya palayo sa akin pumatak ang luha sa aking mga mata pero kaagad ko itong pinunsan at sunod sunod na uminom ng wine.

Ang hirap mo naman Mahalin Grayson! F*cking Sheyts ka! Cheers para sa mga taong nasasaktan ng mga taong minamahal nila!

To be Continued...

-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and Vote

Subscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi

Add me on Facebook: Lexandra Togepi

Like my page (Lexandra_togepi)

https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks

Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/

Twitter
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepi

Tiktok
Username: LexAndrA_Togepi

Thankyouuu😘😘

Love,
LexAndrA_Togepi

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon