Chapter 59

913 10 1
                                    

Nathaliana Pov

"Wala ng kasalan na magaganap!" Tumayo ako at pumunta sa basement nabibwiset kasi ako kay Grayson. Kumuha ako ng wine at uminom at kinuha ko din ang aking paboritong tako at nagsimula akong maglaro ng billiards.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto hindi ko na nilingon ito dahil alam ko ng kung sino sa paraan at tunog pa lamang ng paglalakad.

"Babe... Please unang araw palang natin itong pagpaplano ng kasal natin hindi kaagad tayo mag kasundo"

"Ayun lang naman ang hiling ko Grayson hindi mo pa maibigay kahit ikaw na ang mamili o mag desisyon sa lahat puwera lang sa gusto ko"

"Saan ka nakakita ng Hindi kita malilimutan ang kanta sa kasal"

"Oh sige BEER nalang!"

"Nagbibiro ka ba?"

"Grayson mukha ba akong nagbibiro? Sige Beer ang gusto kong kanta habang naglalakad ako papalapit sa sayo kung ayaw mo padin mag isa kang magpakasal!" Sabay talikod ko dito at naglaro muli ng billiards.

Yumakap ito sa aking likuran at isinandal ang kaniyang baba sa aking balikat.

"Sige payag ako sa BEER makasal lang sayo"

Itinulak ko ito at lumapit ako sakaniya at hinawakan ang kaniyang mukha.

"Ayan! Madali ka naman pala kausap eh!"

Sakto naman pagbalik namin sa sala ay dumating na ang kinuha naming event organizer.

"Gusto sana namin ay yung katulad padin ng dati ung theme snow flakes"

"Noted po eh ang place po?"

"Sa New Zealand" Nakangiting ani ko gusto ko man na sa Pilipinas ikasal kaso natatrauma ako na baka hindi muli itong matuloy.

Pinapili kami ng place at kung ano ano pang pag paplano para sa kasal.

"Anak nacontact ko na ang sikat na deisgner na gagawa ng gown mo"

"Salamat po Mommy!"

Sabay kaming pumunta ni Grayson sa basement ng matapos ang meeting namin sa organizer.

"Bakit sa New Zealand mo napili?"

"Marami akong gustong mga bansa na pag ganapan ng kasal ko bata pa lamang ako kaso gusto ko kasi Winter sa araw ng kasal ko para may snow eh sa New Zealand lang may snow sa araw ng kasal natin mismo"

"Ganon ba pero okay din sa akin iyon dahil hindi pa ako nakakapunta doon"

"Ako din pero mukhang maganda don dahil nag search ako"

"Gusto mo palang Winter ang araw ng kasal mo bakit hindi tayo sa North Pole magpa kasal para anytime? Hahaha"

"Puro ka talaga kapilosopohan no! Sige sa North Pole tayo ikakasal basta maimbitahan mo si Santa Claus!"

"Ikaw naman hindi ka mabiro palagi dapat hindi ka na masungit pa mag asawa na tayo"

"Masungit na ako habang buhay kaya kung ayaw mo ng masungit na asawa magpakasal ka sa iba!"

Ayos na ang lahat at kumpleto na ang pagpaplano sa aming kasal next week gaganapin ito namigay narin kami ng mga invitation at isa na lamang ang kulang ang Prenup Wedding shoot namin na hindi namin nagawa noon kaya kasalukuyan kaming nakasakay sa eroplano ni Grayson papunta sa Paris, France.

Ilang oras ang naging biyahe namin at pagkarating don ay dumaretso kaagad kami sa hotel kinabukasan ay pinuntahan namin ang prenup wedding photographer na kinausap namin at pumunta kami sa Eiffel Tower upang doon mag shoot dahil pangarap ko iyon noon pa man.

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon