Chapter 17

1.2K 19 0
                                    

Maaga akong gumising upang maghanda ng almusal ngayon din kasi ang dating ni nanay Cons at ang Bodyguard na tinutukoy ni Daddy.

Habang busy ako sa pagpiprito tumunog ang telepono kaya agad akong lumapit dito upang sagutin ang tawag.

"Hello Ma'am may bisita po ba kayong inaasahan? Cons po ang pangalan at may kasamang dalawang tao Grayson ang pangalan ng isa."

"Yes po kuya papasukin niyo sila"

"Okay po maam thank you."

Bumalik ako sa pagluluto patapos narin kasi ako at hinanda na sa lamesa ang aking mga niluto. Napatingin ako sa pinto ng may ngdoorbell tinignan ko sa aking screen malapit sa pinto pinalagyan ko kasi ito ng security gate touch screen door lock katulad ng mga pinto sa hotel.

Lumaki ang ngiti ko ng makita ang nakangiting mukha ni Nanay Cons sa mini screen kaya pinindot ko ang Unlock upang makapasok na siya ng tuluyan sa loob ng bahay.

Ng bumukas ang aking pinto sinalubong ko agad ng yakap si Nanay Cons sobrang namiss ko talaga siya 2 taon simula ng ako ay umalis ng US. natigil lang ako ng may maliit na kamay na yumakap sa aking hita. Isang batang babaeng napakaganda at nakangiti sa akin. Yumuko ako para makausap ang cute na bata.

"Hello baby! I'm tita Nathalia!"

"Hello po I'm Nathalie!"

Gusto kong maiyak naalala ko sakaniya ang aking anak bukod kasi sa kapangalan niya ito asul din ang kulay ng mga ito. Niyakap ko ang bata ganito rin sana kalaki ang Baby Cassiopea ko kung hindi lang siya kinuha agad sa akin ng langit.

"Why awe you cwying po?"

Hindi ko napigilan ang aking sarili talaga namang naiyak talaga ako kung sana lang ay nakasama ko pa ang anak ko hindi sana ganito ang nararamdaman ko.

Nawala ang lungkot ko ng marinig ko ang bulol na salita nito na parang si Nathan din.

"Wala baby halika na kain ka na ng breakfast gigisingin ko lang ang anak ko."

"May baby ka po? Pwede ko po kalawo?"

"Yes baby He's 4 years old"

(Binago ko ung age guys hehe)

"I'm 4 yeaws old din po!"

"Really? That's so nice!"

Umakyat ako upang gisingin si Nathan mahimbing itong natutulog sa aming higaan. Nagkaroon ng pagbabago sa mukha ni Nathan. Noon kamukhang kamukha ko talaga siya pero habang lumalaki medyo naiiba siguro ay nagiging kahawig narin niya ang kaniyang ama. Ikinagagalak ko din sanang makita kung sakaling buhay pa ang aking anak kung ano din ang pagbabago sa kaniyang itsura habang lumalaki.

Hinalikan ko sa noo si Nathan at dahan dahang ginising.

"Wake up baby! It's breakfast time and Nanay Cons is here na may kasama din siya na bagong playmate mo!"

Mabilis naman itong nagmulat ng mata at bumangon kitang kita sa mata niya ang excitement sabik sa kalaro ang anak ko 2 taon kaming nanatili sa hotel wala siyang naging kalaro dahil malimit ay ilang araw lang nanatili ang mga guest.

Tumayo ito at pumasok sa banyo upang mag toothbrush tinuruan ko narin kasi siya ng mga bagay bagay na kaya niya namang gawin.

"Let's go na po mommy!"

"Okay baby!"

Hinawakan ko siya sa kamay at sabay kaming bumaba sa hagdan papunta sa dinning area.

"Oh bakit di pa po kayo naguumpisa kumain?"

"Nais kong sabay sabay tayo mag almusal " ani ni Nanay Cons

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon