Chapter 56

841 14 4
                                    

Grayson Pov

Kasalukuyan kong sinusubukan na pakainin si Nathalia kahapon pa kasi ito ayaw kumain.

"Sige na Nathalia kahit dalawang subo lang" Pero nanatili itong nakatulala sa labas ng bintana. "Hindi mo ba gusto ang pagkain? Ipagluluto nalang kita sandali babalik ako"

Lumabas ako dala ang pagkaing ayaw kainin ni Nathalia at pumunta ako sa kusina upang mag luto ng adobong baboy isa sa kaniyang mga paboritong ulam. Ng matapos akong mag luto ay bumalik ako sa kuwarto ni Nathalia.

"Babe! Nag basag ka na naman!" Ipinatong ko sa lamesa ang dala kong pagkain at kumuha ng walis at dustpan at winalis ang dalawang basag ng figurine "Galit ka na naman ba kaya nag basag ka?" Wala akong nakuhang sagot dito.

Kinuha ko ang pagkain sa table at umupo sakaniyang kama upang subuan pero sinangi nito ang plato kaya natapon sa lapag ang pagkain.

"Nathalia!" Hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw kaya ganon na lamang ang pangsisi ko sa sarili ng nagsimula ng lumuha ang mga mata ni Nathalia "I'm sorry babe nabigla lang ako hindi na mauulit Huwag ka sanang matatakot sa pag sigaw ko"

Kinabukasan ay ganon parin ang ganap sa aming dalawa tinatapon niya ang pagkain na hawak ko.

"Pupunasan ko ang braso mo Nathalia" Bitbit ko ang maliit na palangana at isang bimbo upang punasan si Nathalia ng hatawin nito ang palangana kaya tumapon sa buong katawan ko ang tubig.

Umalis lang ako sandali sa kuwarto upang magpalit ng damit naabutan ko naman itong naapakan ang mga bubog na galing sa picture frame na basag. Kaya lumapit ako dito at binuhat ko siya paupo sa kama.

"Nung nakakatayo ka na natuwa talaga ako kasi kahit papaano hindi ka na palaging nakaupo o nakahiga pero nasusugatan ka naman. Sana sunod naman ay mag salita ka na at bumalik ka na sa dati"

Kumuha ako ng ipang gagamot sa sugat niya at ginamot ko ito mabuti na lamang at hindi malalalim at hindi na namin kailangan pumunta sa ospital.

Bumaba ako upang kumuha ng merienda nitong mga nakaraang araw si tita lamang ang nakakapag pakain sakaniya kaya gusto kong subukan ngayon.

"Eto brownies alam kong favorite mo ito kumain ka na" Ngumanga ito at isinubo ko ang brownies na hawak ko.

Masaya ako na okay ang mood niya ngayon minsan kasi ay bigla nalang itong iiyak o sisigaw o manginig sa takot kaya hangang ngayon hindi padin makalapit ang mga bata sakaniya baka kasi masaktan niya ang mga ito.

Habang pinapainom ko ng gatas si Nathalia ay kinuha nito sa akin ang baso akala ko ay magkukusa itong uminom iyon pala ibabato lang nito ang baso sa lamesa kaya nabasag ito.

"Nathalia bakit na naman"

"Pasensya na iho ang sabi ng kaniyang doctor baka inaatake ng vivid flashbacks (feeling likethe trauma is happening right now.. intense distress at real or symbolic reminders of the trauma kaya napapasigaw o nakakabato sila ng mga gamit sa ngayon ako na muna ang bahala kay Nathalia pag sa akin kasi ay kalma siya"

"Sige po tita pasensya na po"

Bumaba ako at tumungo sa basement upang uminom ng wine naiinis kasi ako sa aking sarili sa tuwing nakakaramdam ako ng inis o nawawala na ako ng pasensya minsan kay Nathalia na ang dapat ay alagaan ko siya dahil sa kalagayan niya.

"Promise hahabaan ko pa ang pasensya ko Nathalia hangang sa gumaling ka na"

Tuloy tuloy ako sa pag inom ng wine hangang sa naka limang bote na ako at nakatulog sa kalasingan.

"Grayson iho gumising ka" Inimulat ko ang mga mata ko at tumingin kay tita na gumising sa akin.

"Nawawala si Nathalia kanina ko pa siya hinahanap papakainin ko sana siya ng hapunan at pagkapasok ko sa kaniyang kuwarto ay wala siya"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon