Tanghali na ng makabalik kami sa Pilipinas dapat ay gabi kami makakauwe pero dahil napuyat ako kakaiyak kahapon ay nalate ang uwi namin.
"Saan ka pupunta Nathalia? Hindi pa okay ang iyong pakiramdam magpahinga ka muna sa iyong silid hindi ka padin kumakain mula kanina at hangang ngayon"
"Okay lang po ako Nanay Cons hindi din ako nakakaramdam pa ng gutom ibabalik ko na sa museleo ang abo ni Mommy dapat naman kasi talaga ay nanahimik na siya" sabay higpit na niyakap ko ang jar na pinaglalagyan ng abo ni Mommy.
"Nalulungkot padin ako sa katotohanan na wala na iyong ina. Hindi ko rin matangap na talagang kinuha pa ng masasamang sindikato ang abo ng iyong ina na nanahimik na mabuti na lamang at nabawi mo ito."
"Hindi sapat ang makulong sila kung ako lang ang masusunod ay dapat patayin sila"
"Huwag ka sana dumating sa puntong iyan anak dahil hindi magugustuhan iyan ng iyong ina"
"Opo Nanay Cons mauna na po ako"
Naglakad ako palabas sa pinto tulog pa ang mga bata napagod sa biyahe kahit pagtulog din naman ang ginawa ng mga ito habang kami ay nasa private plane ni Daddy.
Inilock ko ang pinto at dumaretso sa gate.
"Nathalia" Nagulat ako ng biglang sumulpot ito.
"Anong ginagawa mo dito Dahlia! Umalis ka! Teka tatawag ako ng guard!"
"Sandali Nathalia! Please kailangan kong makausap si Grayson!" Sabay luhod nito sa aking harap at hawak sa isang kamay ko.
"Ano ba Dahlia! Tumayo ka nga diyan! Wala ng dahilan upang makausap mo pa si Grayson na niloko mo lang naman umalis ka na!"
"Nagsisisi na ako please kailangan ko siyang makausap!"
Inalis ko ang kamay nito at nilagpasan ito para makasakay sa aking kotse ngunit inawat muli ako nito.
"Please Nathalia!"
"Anong ginagawa mo dito Dahlia?" Sabay kaming napalingon sa galit na boses ni Grayson mabilis na lumapit si Dahlia kay Grayson at niyakap ito na nagpataas sa aking kilay.
"Bitawan mo ako Dahlia!"
"Grayson! Buntis ako! At ikaw ang Ama! I'm 4 months pregnant!"
"Hindi totoo yan Dahlia! Huwag kang mag sinungaling!"
"Totoo! May nangyari sa atin noon! Nung tayo pa! Bago tayo magkahiwalay alam mo yan!"
"Hindi Dahlia!"
"Pakinggan mo ako please Grayson!-"
Hindi ko na pinakingan pa ang pinagsasabi ni Dahlia dahil lalo lang akong nasasaktan parang unti unting pinapatay ang aking puso. Tumalikod ako sa kanila at mabilis na sumakay sa aking kotse at binilisan ko ang pagpapatakbo na akala mong ako'y nasa isang karera na ang kalaban ko ay sakit na aking nararamdaman. At ganon din kabilis pumatak ang aking mga luha.
Mabilis akong nakarating sa sementeryo mabuti na lamang at walang traffic at nanghuhuli kaya kahit mabilis ang aking pagpapatakbo ay walang nang huli sa akin.
"Mr. Reyes muli kong ipapalibing ang abo ng aking ina"
"Tatawag ako ng mga tauhan upang maiayos ang pag libing ng abo ng iyong ina"
Mabilis din na natapos na mailibing muli ang abo ni Mommy Bukas pa daw maibabalik ang lapida na tinangal ng mga sindikatong iyon. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa museleo ni Mommy.
"Mommy miss na kita akala ko ay buhay ka pa umasa ako pero sana ay kung nasan ka man ngayon ay tahimik ka na sana ay wala ng muling kumuha sa abo mo dito hindi ko na sila mapapatawad. Sana mawala narin ang sakit na nararamdaman ng aking puso ang lalaking mahal ko ngayon ay magkakaanak ng muli sa babaeng kinaiinisan ko pa gusto ko siya pigilan pero naawa ako sa bata kaya handa akong palayain ang pagmamahal ko sakaniya. Sa ngayon ay Paalam muli Mommy babalik akong muli dito." Ipinatong ko ang bulaklak na binili ko kanina sa ibabaw ng libingan ni Mommy.
Nilock ko ang gate ng museleo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na nagpabasa sa akin.
Naglakad ako papunta sa parking lot habang dinadama ang lakas ng ulan at hangin sa tuwing broken hearted ako ay gusto ko ang ganito kaya umupo muna ako sa isang upuan sa sementeryo at mas dinama pa ang lamig.
Kinuha ko ang aking waterproof na cellphone at nagpatugtog ng Someday by Nina.
"Cause, someday someone's gonna love me
The way I wanted you to need me
Someday someone's gonna take your place
One day I'll forget about you
You'll see I won't even miss you
Someday, someday" sabay ko sa chorus ng kanta. Habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Ang sakit naman ng kantang to huhu.Hindi pa ako nagsawa kaya kahit nasa kotse ako ay nagpapatugtog padin ang ng mga sad songs gusto ko kasing masaktan ako ng masaktan hangang sa ako na mismo yung mapagod at magsawa. Walang kami kahit kailan ay hindi naging kami ngunit nasasaktan ako kasi Mahal ko siya OA na kung OA nagmamahal lang naman ako ng taong sinaktan lang ako.
Taong sinasaktan ako paulit ulit.Inangat ko ang hood ng aking kotse upang maramdaman ko ang ulan at simoy ng hangin na mas nagpapalamig sa akin napapatingin na sa akin ang mga nasa likod at tabi ko pag nasa stoplight ngunit wala akong pakealam Mas patagal ng patagal at pasakit ng pasakit ang kanta ay mas napupuno ang luha sa aking mata at parang ulan ito na bumuhos walang tigil na wari mo'y ayaw magpaawat.
Muling nag red light kaya itinigil ko ang aking kotse at umiyak ng umiyak hindi naman halata sa mukha ko ang pag-iyak dahil tinatabunan ito ng mga patak ng ulan at mata ko lang ang malungkot hindi ako nangawa dahil nakakahiya sa makakakita.
Hindi ko namalayan na imbis na pabalik sa bahay ang aking puntahan ay sa Manila na pala ako napunta kaya pala marami ang stop light at traffic dahil siguro ayaw ko pang umuwi ayaw kong makita at malaman kung ano ang nangyari sa bahay.
Ng mag green light ay mabilis kong pinaadar ang aking kotse walang masyadong nadaan sa aking napuntahan hindi ko mawari kung nasaan ako sa Manila. Tinama ko lang ang bilis pagpapatakbo ko dahil madulas na ang kalsada dahil sa pag ulan. Napatingin ako sa aking kanan ng may babaeng nakahulog sa kaniyang payong ng madangi ito ng mga kabataan na nagtatakbuhan kaya nakita ko ang ang mukha nito hinabol ko ng tingin ito at nanlaki ang mata ko.
"Mommy!"
Ngunit napatingin ako sa aking harap ng may bumanga sa aking kotse at unti unting nandilim ang aking paningin.
To be Continued...
(C) Someday by Nina
-------------------------------------------------------------
Please don't forget to Follow, add this story to your library and VoteSubscribe in my Channel on youtube: LexAndrA_Togepi
Add me on Facebook: Lexandra Togepi
Like my page (Lexandra_togepi)
https://m.facebook.com/Lexandra_togepi-103329477976703/?ref=bookmarks
Follow me on IG
https://www.instagram.com/lexandra_togepi/
https://mobile.twitter.com/LexandraTogepiTiktok
Username: LexAndrA_TogepiThankyouuu😘😘
Love,
LexAndrA_Togepi
BINABASA MO ANG
The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)
ActionAko si Nathaliana Scott ang nagiisang pasaway na anak ni President Garvien Scott. Na nasangkot sa madaming issue sa aming bansa. At nabuntis ng hindi kilala ang tatay ng anak Ilang beses na akong napahamak pero dahil malupit ang katigasan ng ulo ko...