Chapter 33

913 12 2
                                    

"Magpahinga ka na bukas mo na ituloy yan"

"Pero kailangan kong matrack yung mga tauhan ng sindikato na iyon!" Ani ko habang hawak ang tracking device

Nasa isang hotel kami dito sa Philadelphia na may dalawang kama ayokong makatabi ito si Manyak eh magpapalipas kami ng gabi dito dahil delikado na kung uuwi pa kami.

"Sige matulog kana din maya maya matutulog na ako at baka malayo ang byahe natin bukas"

Humiga ako sa kama ngunit pilit ko padin iniintay kung saan tutungo ang 5 tao na nilagyan ko ng tracker iba't iba ang kanilang direksyon kaya hindi ko malaman kung sino ang susundan ko.

Kinabukasan ay maaga akong naghanda nauna pa akong magising sa kalokoy na kasama ko.

"Hoy gising pupunta tayong New Jersey!"

"5 minutes!" Sabay hilik ulit nito.

Kinuha ko ang unan sa aking kama at tinakluban ang mukha ni Grayson.

Nagpumiglas ito hindi ko naman maiwasan ang hindi matawa. Natigil lamang ang aking tawa ng binaliktad niya ang aming puwesto ako na ngayon ang nasa ilalim niya.

"Sinusubok mo talaga ang pasensya ko Punyek!"

"Oh baket anong gagawin mo Punyok?!" Matapang kong ani kahit na sa loob loob ko ay kinakabahan ako.

Matagal kaming nagkatitigan at napapikit na lamang ako ng lumapat ang labi niya sa aking labi. Matagal na lumapat ang kaniyang labi sa akin at ng bumalik na ako sa wisyo ay kinagat ko ng madiin ang kaniyang labi hangang sa napabitaw siya at hawak sa nadugo niyang labi.

"Wtf! Ang hard mo naman! Ang sakit sh*t!"

"Ganiyan napapala ng mga manyak!"

Bumangon ako sa kama at isinuot ang belt bag ko.

"Bilisan mo kumilos diyan sa baba na lang ako maghihintay at baka manyakin mo pa ako!"

Saglit lang ako naghintay sa kaniya at sumakay na siya sa aking motor malayo layo ulit ang naging biyahe namin.

"Sa Mulberry Street tayo sa Newark!"

"Sige!"

Pagdating namin doon ay halos kapareho lang din sa Philadelphia ang lugar na ito ang itsura at mga style ng bahay at mga building dito.

"Sa may 218 Mulberry st. Tayo!"

Habang hawak ko ang tracking device ay bumaba ako sa motor at naglakad hangang sa makarating na ako sa isang 4th floor na building na halata mong abandonado na at luma.

"Infairness ang galante ng mga sindikatong ito ang daming kuta pero mga bulok naman pwe!"

Muli akong tumingin sa tracking device na hawak ko dito kasi sa building na ito ko natrack ang isa sa mga tauhan.

Naglakad ako papalapit sa building habang nasa likod si Grayson. Aapak na sana ako sa maliit ng hagdan ng may pusang cute na humiga sa mismong hagdan lalapitan ko na sana ito ng biglang sumabog at gumuho ang building mabilis akong hinila ni Grayson papalayo sa building na naguguho na dahil sa pagsabog.

"Nasaktan ka ba Nathalia!?"

"Hindi gasgas lamang ang aking natamo"
Nakatingin parin ako sa building na gumuguho talagang gumamit pa sila ng suicide bomber upang mapaslang ako.

"Mabuti na lamang at hindi ka tuluyang nakakaakyat sa hagdan na iyon kundi sabog at patay tayong dalawa! Nagpapasalamat ako sa pusa na iyon! Simula ngayon ay kailangan nating mas magingat pa! Umalis na tayo dito! Wala dito ang hinahanap natin isa lamang itong trap!"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon