Chapter 38

798 9 1
                                    

"Aalis na ako Nathalia ikaw na muna ang bahala kay Nathalie"

"Shino ka bah?"

"Hyst pasaway ka talaga naubos mo agad ung tatlong bote? nag impake lang ako lasing ka na agad!"

"Hindi ako lasheng! Tumabi ka nga diyan magshiswimming akoh!"

Kahit parang umaalon ang paningin ko ay kinuha ko ang saklay ko at naglakad ako papalapit sa pool sh*t naparami ata inom ko.

Ng malapit na ako sa pool ay pakiramdam ko ay lumutang ako kaya pumikit na lamang ako.

"Hindi ka puwedeng maligo sa pool! Malamig at injury ka pa! Iaakyat na kita sa kuwarto mo"

Pilit kong inimulat ang mata ko dahil hindi ko makita ang mukha ng may buhat sa akin mamaya isang manyak ito eh ng makarate ko na.

"Shino kah bah kashe ha?! Kailangan ko sih Grayson!!!!"

"Bakit mo naman siya kailangan?"

"Aalis kashi siya! Iiwan niya ulit ako! Pigilan mo siya pleasehhhh! Mahal ko siya! Mahal na mahal!!"

"Eh bakit mo kasi siya pinagtabuyan kanina?"

"Kasi hindi kami puwedeh gets mo? tsimoso kung shino ka man! Magkaka anak na siyang ulit! Ayokoh pagkaitan ng pagkakataon na magkaroon ng ama yung baby niya! Kaya kahit Mahal na Mahal ko siya ay papalayain ko siya! Wala namang kame!!!"

Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko ang mga mata ko ng maihiga niya ako sa aking higaan. Muling lumutang ang pakiramdam ko ng halikan ako nito sa noo.

"I love you too Nathalia promise gagawa ako ng paraan para makabalik sayo sa ngayon iiwasan muna kita para hindi kita mas masaktan aalis na muna ako"

Inimulat ko ang mga mata ko napatingin ako sa bintana at maliwanag na sa labas sa sahig ako nakatulog? hinanap ko ang phone ko at ng makita kong nasa lamesa ito kinuha ko ang saklay ko at kinuha ko ang phone ko.

Tinignan ko ang mga message puro sa mga employee ko at nireplyan ang mga ito. Nanlaki ang mata ko ng madaanan ng mata ko ang message ko kay Grayson.

200 sent messages and 101 calls?

Mas nanlaki ang mata ko ng makita kong sabog sabog at kalat kalat ang make up sa mukha ko sa salamin napatingin din ako sa kalat kalat kong kuwarto may natirang pizza fries 3 boteng wine at mga chips at ubos na tupperwear ng mukhang graham at bumalik sa akin ang alaala ko ng pinag gagawa ko kaninang madaling araw.

Flashback
Inimulat ko ang mata ko ng makaramdam ako ng ihi kaya kinuha ko ang saklay ko at pumunta agad ako sa banyo upang umihi. Shems ang sakit ng ulo ko! Pero gusto ko pa ng wine!

Parang ninja ako sa bilis na bumaba sa hagdan kahit na naka saklay ako proffesional na ako sa pag gamit ng saklay ko Yeahh! at mabilis na kumuha ng wine at ice bucket natakam din ako sa graham na nasa ref at kumuha din ako ng pizza fries at chips kaya ito nalang siguro ang pulutan ko na nilagay ko sa isang eco bag dahil kailangan kong hawakan sa kabilang kamay ko ang saklay ko at mabilis na bumalik sa aking kuwarto.

Binuksan ko ang tv at nanood ng drama kaya habang umiinom at kain ako ng kain ay iyak ako ng iyak.

"Huhuhu bakit napaka manloloko ng boyfriend mo! Huhuhu sh*t nakakaiyak!"

"Huhuhu!! Pag iniwan mo na huwag mo ng balikan! Pisti kang lalaki ka!" Pang aaway ko sa bidang lalaki

"Lahat nalang ng nagmamahal sainyo iniiwan niyo! Sinasaktan niyo para kayong si Grayson!! Mga F*cking Sheyts kayo!"

Mas lumakas ang iyak ko ng sumama padin ang lalaki don sa kontrabida dahil napamahal na ito doon.

"Waaaahhhhhh!! Ayoko na manoood!!!!"

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon