Chapter 45

831 16 2
                                    

"Huwag kang umiyak iha maari ko bang malaman ang iyong pangalan? pasensya na hindi kasi kita kilala" mas lalong bumuhos ang mga luha sa mata ko at mas humigpit ang yakap ko kay Mommy.

"Mommy...ako..po...ito...si...Nathaliana anak mo" tinapik tapik nito ang aking likuran at tinangal ko ang pagkakayakap dito at tumingin sa kaniyang mga mata.

"Sumama kayo sa akin" binitbit nito ang walis at naglakad kami papunta sa gilid ng sementeryo isang barong barong na bahay ang sumalubong sa amin na nasisilunugan ng dalawang malalaking puno.

"Halika pumasok kayo" pumasok kami sa loob ng maliit na bahay at umupo kami sa sofa sa loob naman ay maayos at organize ang mga gamit at malinis. "Pasensya na kayo at maliit lamang ang aking bahay at hindi aircon pero eto tatapatan ko naman kayo ng dalawang electricfan at presko naman dito dahil sa puno"

Hindi ko maisip na ganito ang mangyayari kay Mommy nakatira sa isang maliit at masikip na bahay.

"Mommy sumama ka po sa akin. Iwan mo na po ang pamumuhay mo dito"

"Wala akong tiwala sa mga taong hindi ko kilala at hindi din ako sumasama basta basta. Pero hindi ko alam nung nakita kita ay parang lumambot ang aking puso at mas nalulungkot ako pag naiyak ka at ng bangitin mo ang pangalang Nathaliana mas lalong lumambot ang aking puso dahil hindi ko man buong naalala ang lahat dahil sa ginawa nila sa akin ay naalala kong Nathaliana ang pangalan ng aking anak pero hindi ko maalala ang kaniyang itsura"

Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang mga luma kong litrato at ibinigay ito kay Mommy.

"Ayan po ako nung baby ako nung 1st birthday ko at ng mag debut po ako Mommy na hindi kita nakasama dahil akala namin ay patay ka na"

Humawak ito sa kaniyang ulo at mabilis naman akong lumapit dito upang alalayan.

"Itong mga pangyayari pala ang palagi kong napapaniginipan pero kahit kailan hindi ko makita ang mga mukha nito. Tanging ngayon lang luminaw ang lahat"

Tumingin ito sa aking mga mata at niyakap ako.

"Talagang kamukhang kamukha kita Nathaliana hindi man lahat ay naalala pipilitin ko para saiyo patawad kung hindi kita agad naalala"

"Naiintindihan ko po Mommy" yumakap ako dito at yumakap din ito pabalik napakasarap ng yakap ng isang ina.

"Sino ba sakanila ang iyong nobyo?" Tukoy nito kay Andrei at Grayson.

"Wala po Mommy" tumingin ako sa dalawa at mga nakatulala ito kay Mommy "Hoy batiin niyo naman ang Mommy ko parang nakakita kayo ng multo.

Kumurap kurap ang dalawa at sabay na nagsimulang lumuha ang mga mata at yumakap kay Mommy.

"Hoy! Dinaig niyo pa ako ah! Baka nakakalimutan niyong ako ang tunay na anak" biro ko

"Naalala mo po ba ako?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Pasensya na mga iho pero hindi pero parang pamilyar kayo sa akin parang nakita ko na kayo noon."

"Nung dinala at ikinulong ka po ni Williams sa New Jersey ako po iyong batang taga hatid sainyo ng pagkain palagi at itinuring ko po kayong parang totoo kong nanay" pangunguna ni Andrei.

"Ako naman po iyong ikinulong din ni Williams at Dahlia at ikaw po ang nagpatakas sa akin pasensya na po at hindi ko kayo nagawang balikan dahil hangang ngayon ay hindi ko parin matandaan ang lugar na iyon"

Hinawakan ni Mommy ang kamay ng dalawa at salitan na tinignan tumingin din sa akin si Mommy at ngumiti.

"Hindi ko kayo maalala dahil bago ako makatakas ay may itinurok sila sa akin. Nakatakas lamang ako noon nung may sumusugod daw sa mga kuta nila Williams at doon sila na focus kaya iniwan nila ako sa isang lumang bahay sa Mary Land kasama lamang ang dalawang tauhan nagawa kong makatakas at matangal ang tracker ng pinilit ko itong isuka namalimos ako ng halos isang linggo at palipat lipat ng pagmamalimusan hangang sa nakaipon ako pambili ng ticket papunta dito sa Pilipinas hindi ko alam kung bakit dito ko napili pero parang dito ako dinadala ng aking puso. Napadpad ako dito sa Laguna dahil hangang dito na lamang umabot ang aking pera."

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon