Chapter 29

970 15 0
                                    

Malakas ang ulan pero Nagswi swimming ang mga bata at si Grayson sa swimming pool batid kong labis ang kasiyahan ng mga bata ng bumalik si Grayson.

"Eto na ang kape na request mo sa akin. Napaka ganda ng iyong ngiti ano ang dahilan niyan?"

"Ang ngiti ng mga anak ko kay gandang pagmasdan talaga namang iba talaga pag kasama nila si Grayson kahit hindi ko totoong anak si Nathalie gusto ko padin siyang maging masaya"

"Ibig bang sabihin nito ay Patatawarin mo na siya?"

"Oo alang alang para sa mga bata"

"Sige ako na muna ang bahala na mag bantay sa mga bata mag usap kayo"

"Salamat Gray!"

Umupo ako sa upuan at humigop ng mainit na kape I love drinking coffee while reading books and raining at ng makita kong papalapit na si Grayson sa akin kay ipinatong ko sa lamesa ang aking kape.

"Nais mo daw akong makausap Nathalia?"

"Oo Grayson pinapayagan na kitang muling manatili dito sa aking bahay kung iyong nanaisin"

Humawak siya sa aking kamay kitang kita sa kaniyang mukha ang kasiyahan.

"Salamat Nathalia! Nais ko ipinaliwanag at ikuwento sayo ang nangyari sa akin."

"Ang sabi mo sa akin ay kailangan mong mahanap at maalala muli ang iyong nakaraan"

"Oo tama ngunit nagkamali ako niloko ako ni Dahlia pina-"

"Daddy!! Swim na po tayo!!" Tawag ni Nathan kay Grayson.

"Sige na Grayson samahan mo muna ang mga bata puwede naman nating pagusapan yan mamaya"

Bumalik ito sa swimming pool at nakipaglaro sa mga bata at asaran kay Gray.

Ng mag gabi at makatulog na ang mga bata ay pumunta ako sa basement upang uminom ng wine.

"Buti naman at dumating ka na kanina pa kita hinihintay"

"Inuubos mo na naman ang aking mga wine"

"Papalitan ko naman Ano simulan na natin?"

"Ang alin?"

"Let's do some hot stuff!"

"Gago!"

"Hahaha biro lamang Tara laro tayo ng billiards habang nagkukuwento ako sayo"

Inayos niya ang mga bola ng billiards at nagsimulang tumira.

"Nagsimula iyon ng makatangap ako ng text mula kay Dahlia-

Flashback

From: Dahlia
"Baby! Sumama ka sa akin ipapaalala ko saiyo ang iyong nakaraan nahanap ko na ang iyong ama at tutulungan ka namin na maalala ang iyong nakaraan"

Tinawagan ni Grayson si Dahlia upang magtanong pa.

"Hello Dahlia alam mo kung sino ang aking ama? Maari mo ba akong dalahin sakaniya? Gusto ko ng bumalik ang aking mga alaala"

"Nasa ibang bansa ang Ama mo. Kaya kung gusto mo siyang makita at bumalik ang alala mo ay sumama ka sa akin at iwan mo si Nathalia at ang anak mo!"

"Hindi ko ba sila maaring isama?"

"Hindi Grayson! Kailangan ko ng sagot mo ngayon!"

"Sige sasama ako sayo upang bumalik na aking mga alaala at para maliwanagan ako kung paano ako nagkaroon ng Nathalie."

"Sige pumunta ka dito sa condo ko bibili na ako ng ticket natin"

Nagdadalawang isip parin si Grayson ayaw niyang iwan si Nathan at Nathalie lalo na si Nathalia pero mas nanaig padin sakaniya ang maalala ang kaniyang nakaraan

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon