Inimulat ko ang mata ko at mabilis akong napatayo sa hospital bed ng maalala kong kasalukuyang nirerevive kanina si Andrei.
"Saan ka pupunta Nathalia!"
Dare daretso akong pumunta sa ICU patuloy paring nakasunod sa akin si Clyead Pero wala akong naabutan sa ICU kundi isang bakanteng kama
"Ahm Miss yung patient dito kanina?" Tanong ko sa kakadaan lang na nurse.
"I'm sorry po ma'am wala na po sinubukan po namin lahat ng makakaya namin kanina para irevive siya pero hindi na po talaga kinaya ng pasyente sige po maam mauna na po ako"
Parang nanghina ang katawan ko at napaupo nalang ako sa isang bench dito sa ospital at nagsimula ng tumulo ang luha sa mga mata ko kaya napatakip nalang ako sa mukha ko.
"Nathalia!" Sabay yakap nito sa akin "Anong ginawa mo sakaniya! Bakit siya umiiyak Clyead!"
"Huminahon ka Grayson"
Tinangal ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko at napatingin kay Grayson.
"Anong gingawa mo dito? Bumalik ka sa kuwarto mo kailangan mo pang mag pagaling"
"Okay na ako pinayagan na akong umuwi kahapon ng doctor"
"Ang bilis mo naman gumaling!"
"Ikaw ang bumalik sa kuwarto mo halika na" binuhat ako nito at bumalik kami sa kuwarto at sa kama na hinihigaan ko kanina "Nahimatay ka nung araw na nirerevive si Andrei masyado ka daw stress nitong mga nakaraang araw at sabi hindi ka daw kumain nung araw na yun at hindi ka nainom ng tubig kaya mas humina ang katawan mo 3 days ka lang namang tulog"
"What!?" Bigla kong naalalang hindi pa nga ako halos natutulog at hindi kumakain nung araw na yun kahit yung fries at sundae na bigay ni Clyead ay hindi ko na nakain "San nakaburol ngayon si Andrei? Ang sabi saken nung nurse patay na daw siya" malungkot at mahina kong ani.
Nanatiling nakatunganga sa akin ang dalawa at nakanganga.
"Hoy Grayson! Clyead! Bakit hindi niyo ako sinasagot? Tutunganga nalang ba kayo diyan?" Bumukas ang pinto kaya napatingin ako don at nanglaki din ang mata ko sa aking nakita "F*ck! MULTO WAHHHHHH!!"
Mabilis kong kinuha ang baril ko na nasa bag at itinutok sa Multong Andrei.
"Wtf! It's me Nathalia! Hindi ako multo! Buhay na buhay ako!"
"Lumayo ka saken! Nililinlang mo lang akong multo ka!"
"Ma'am ichecheck up ko po kayo Ay baril! Wahh- Nahimatay ang kakapasok lang na nurse
Hiniwakan ni Grayson ang kamay ko at unti unting inagaw sa akin ang baril.
"Nanakot ka Nathalia"
"Iyang multo na iyan yung nanakot!"
"Buhay pa si Andrei Nathalia"
"Eh bakit sabi nung nurse patay na daw ano jinojoke time lang ako?"
"Nung araw na nahimatay ka naligtas non si Andrei tas naging ayos ang kalagayan niya kaya nilipat na siya sa isang private room mabilis gumaling at naka recover ang katawan niya kaya pinayagan na siyang umuwi mas nag alala pa nga kami sayo dahil tatlong araw kang tulog"
"Ano puwede na ba kitang lapitan Nathalia? May pasalubong ako sayo"
"Sige basta siguraduhin mong hindi ka multo ah"
"Oo naman oh eto!" Sabay abot sakin nito ng fries at sundae.
"Grayson paabot nga ng phone ko" inabot naman sa akin nito ang cellphone ko at naghanap ako ng magandang tugtog at pinatugtog ko ito.
BINABASA MO ANG
The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)
ActionAko si Nathaliana Scott ang nagiisang pasaway na anak ni President Garvien Scott. Na nasangkot sa madaming issue sa aming bansa. At nabuntis ng hindi kilala ang tatay ng anak Ilang beses na akong napahamak pero dahil malupit ang katigasan ng ulo ko...