Chapter 40

877 11 2
                                    

3 months later.

3 buwan na ang nakakalipas nang makatakas si William Benjamin na leader ng Dark Prison Syndicate sa kulungan sa USA ngunit hangang ngayon ay hindi parin ito nahuhuli. Tahimik naman ang naging buhay namin sa loob ng 3 buwan wala naman nangugulo pero kailangan padin namin mag ingat dahil baka naghahanda lang ang mga kalaban.

Hindi ako mapakali sa panonood ng tv halos hindi na nga ako maka focus sa pinapanood ko. Tumayo ako at nagpabalik balik sa paglalakad

"Bakit hindi ka mapakali Nathalia? Nahihilo na ako sayo"

"Gray kanina pa dapat uwian sila Nathan at Nathalie 3: 00 ang uwian nila 4: 30 na"

"Baka nagkaroon ng mga activities ang mga bata or baka dinala ni Grayson sa mall ang mga ito"

"Iba talaga ang kutob ko Gray sinabihan ko nadin si Grayson na huwag munang igala ang mga bata"

Si Gray ang taga hatid sa school sa mga bata pag umaga at si Grayson naman ang sumusundo pag uwian ayun nalang daw kasi ang way para kahit papaano ay makasama niya si Nathalie at si Nathan dahil sobrang hands on talaga si Grayson sa pagaalaga sa baby nila ni Dahlia na si Baby Delareigh na 3 months old na.

"Pumunta na tayo ngayon sa school nila Gray!"

Sumakay ako sa Mustang ni Gray at mabilis niya itong pinaandar patungo sa school nila Nathan at Nathalie ng makarating kami ay patakbo akong pumasok sa school pinakita ko ang pass at i.d ko sa guard at pinapasok din kaagad ako nito mahigpit kasi dito.

"Good Afternoon Teacher Mae"

"Good Afternoon din po Miss Nathalia kanina pa po nakauwi sila Nathan at Nathalie sinundo po sila ni Mr. Grayson."

Lumabas ako at sumakay muli sa kotse ni Gray.

"Ano asan na daw sila?"

"Kanina pa daw umalis"

"Saan tayo ngayon?"

"Kailangan ko ng tulong ng mga pulis kaya sa police station tayo ngayon"

Mabilis kong sinuot ang seat belt at napatingin ako kay Gray ng nakatingin lang ito sa akin.

"Gray tara na"

"Ah oo"

Pinaandar nito ang sasakyan napansin ko ang isang kotse na parang kanina pa sumusunod sa amin. Mas kinabahan pa ako ng nasa isang mabukid na daan kami ngayon walang bahay at bihira ang nadaan sa shortcut kasi kami dumaan

"Gray may nasunod sa atin! Bakit ka tumigil?"

Hindi ito nakasagot at tinuro na lamang ang aming harapan. May dalawang taong naka itim ang nakatutok ang baril sa amin at ang tatlo ay pinipilit buksan ang aming pinto.

"Gray bangain mo nalang sila! Wala akong baril ngayon!"

"Pag binanga ko sila hahabulin nila tayo ng bala ng baril"

"Sige buksan mo ang pinto at susubukan kong lumaban"

Malakas kong binuksan ang pinto kaya tumaob ang pilit na bumubukas sa aking pinto kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mabilis kuhanin ang baril ng lalaking nakatutok sa akin ang baril at binalian ito ng braso. Nilapitan ko ang isa at pinagsusuntok at sipa.

"Nathalia!"

Napalingon ako kay Gray na nasa likod at nandilim ang paningin ko ng may balang tumama sa aking tagiliran at hinampas ako ng tubo sa ulo ng mga bagong dating laman ng kotseng sumusunod sa amin kanina.

"Gamutin niyo ang sugat niyan bawal mamatay yan yari tayo kay boss!"

Inimulat ko ang mata ko ngunit dilim ang bumungad sa akin mukhang tinakpan ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang paligid sa tingin ko ay nasa isang sasakyan ako at bako bakong daan ang nadadaanan namin. Sinubuksan ko mag pumiglas ngunit nakatali ang kamay at braso ko.

The Twin Babies Of The President's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon