PART 2 OF 1
"Pssst! Halika na, punta na tayo sa canteen!" tawag ng kaibigan kong si Lestina at ako'y inaaya na.
"Saglit lang!" sagot ko dahil hindi pa ako tapos mag-ayos sa aking mukha.
"Hoy, grabe! Sa canteen lang tayo pupunta pero to the highest level ang pagpapaganda mo," may halong biro sa pagkakasabi ni Lestina habang nakatayo sa tabi ko at pinapanood ang ginagawa ko saaking mukha.
"Bumili ka kasi ng ganito para at least gumanda ka din tulad ko," pilosopa kong sabi sa kanya.
Si Lestina ang tipo ng kaibigan kong hindi mahilig magsuot ng make-up. Hindi raw niya ito type at wala siyang balak na maglagay ng kahit anong kolorete sa kanyang mukha. Minsan nga ay nanghihinala ako kung tomboy ba siya. Pero hindi naman, naglalagay lang siya kung kailangan o di kaya'y may mga okasyon.
"Aba! Gusto mong batukan kita jan?" hamon niya sakin at umaaktong babatukan talaga ako.
"Hephep! Mga mamser bawal po actual rambulan dito," agap ng isa kong kaibigan na si Heisha at umaaktong parang isang referee.
Napailing ako at napatawa kaming tatlo dahil saaming kagaguhan.
Hindi rin naman ako nagtagal at agad ding natapos sa pag-aayos ng mukha, kaya inaya ko na silang umalis para pumunta sa canteen bago pa dumami ang mga tao roon.
Habang naglalakad kami ay hindi parin nawawala ang tawanan at aming bangayan sa isa't-isa. Ito kasing napakabait na kaibigan kong si Heisha ay ang pasimuno sa lahat ng kabaliwan, kaya palagi kaming nadadamay ni Lestina.
"Guys, may knock knock ako" pag-iiba ni Heisha sa aming usapan. Excited na excited pa talaga siyang nagsalita. Ano na naman bang pakulo nito?
"Hey, we're not guys" sagot ni Lestina kay Heisha habang naka crossarms.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Lestina at binalik ang aking atensyon kay Heisha.
"Sige, ano ba 'yang knock knock mo?" tanong ko kay Heisha.
"Ito. knock knock," panimula ni Heisha habang naglalakad pa rin kami.
"Who's there?" sabay na tanong namin ni Lestina.
"Hi!" natatawang sagot ni Heisha.
Hanep! Nauuna ang tawa niya kesa sa joke!
"Hello" biro na sagot ni Lestina sa kanya.
"Tanga!! Wag ka na ngang sumali rito, nakaka bad-mood ka!" inis na sabi ni Heisha kay dahil sinira ni Lestina ang nakakatawang mood niya.
"Tayo nalang mag-usap Heish, 'wag mo nang pansinin ang babaeng 'yan" tukoy ko kay Lestina.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
