PART 1 OF 1
Isang napakalakas na buhos ng ulan ang aking nadatnan habang naglalakad sa isang hindi pamilyar na lugar, kaya naman ramdam ko ang basang dumaloy saaking buong katawan. Hindi ko maisip kung bakit ako nandito at kung ano ang nangyayari.
Nakatayo ako sa ilalim ng napakalakas na ulan habang umiiyak. Hindi ko alam ang buong dahilan kung bakit ako umiiyak, pero nasisiguro kong mabigat ang aking pakiramdam. Galit, sakit, at poot, 'yan ang mga nararamdaman ko ngayon.
Nasa gitna ako ng isang tahimik na kalsada. Walang mga sasakyan at walang mga tao maliban saakin. Tanging ang ingay lang din ng aking mga hikbi na sinasabayan ng ulan ang aking naririnig. Nakakuyom ang mga kamay ko habang nanginginig ang aking mga tuhod. I feel so weak! Bakit ako nanghihina?
At dahil sa panginginig at panghihina ay napaluhod ako sa daang semento. Naramdaman ko kaagad ang sakit at hapdi ng aking tuhod dahil sa biglaan kong pagluhod. Mas napaiyak tuloy ako ng lubos dahil sa sakit na naramdaman.
"Alexandra......" a familiar voice suddenly called my name.
Hindi ko alam kung sino ang tumawag pero napahinto ako sa pag-iyak at kinalma ang sarili bago nilingon ng dahan-dahan ang direksyon kung saan nagmumula ang boses.
Pero bago pa man ako makatalikod at makita ang taong tumawag ay biglang dumilim ang aking paligid at hindi ko alam kung ano ang kasunod na nangyari.
"OH MY GOD!" bigla akong nagising at napabalikwas sa kama dahil sa ingay na dulot ng aking alarm. Oh, it's already freaking 5:30 in the morning!
Napairap nalang ako at tamad na pinatay ang alarm bago bumalik ulit sa pagkakahiga.
Grr, nakakadisturbo! Nakakatamad pumasok!
Bumalik ako sa posisyon kanina bago ako nagising sabay hinawakan ang aking unan at pinikit ulit ang mga mata.
Ahhh, gusto ko pa talagang matulog! Pwede bang mag-asawa nalang at hindi na mag-aral? Char.
Napamulat ulit ang aking mga mata dahil sa naramdamang kakaiba saaking unan.
Ha? Bakit basa ang unan ko? May nakaihi ba dito? Imposible, hindi naman nangangamoy.
Napag-isipan kong tumayo at sinuri ng maayos ang unan kung ito ay basa ba talaga o baka nalalamigan lang. Pero pagkatapos ko itong hawakan ng ilang beses ay totoo ngang basa ito. Sa'n naman ito nanggaling? Bakit ganito kabasa?
Agad akong lumapit sa malaking salamin ng aking kwarto upang tignan ang sariling itsura. Nilapit ko ng maayos ang aking mukha sa salamin at tinignan ang aking mga mata. Nagulat ako dito at nag-isip ng maaaring dahilan.
Masama na naman ba ang panaginip ko? Hanep! Anong nangyari doon? Ba't ako napaiyak ng lubos?
Hala! Baka naghiwalay kami ng jowa ko? OMG, I really love my boyfriend kaya bakit naman kami maghihiwalay?
Pero joke lang, wala pala akong jowa.
So, anyways hindi ko maalala ang panaginip ko, pero kung ano man ang nangyari doon sana naman maayos lang ang lahat at sana hindi ito magdulot ng problema sa buhay ko.
Inalis ko nalang sa isipan ang nangyaring panaginip at hindi na ito muling pinansin.
This is not the first time that I've dreamt of something that made me cried a lot, but the only thing I knew is that whenever I'm dreaming I always forgot about it every time I woke up.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
