PART 2 OF 29
CLIFFORD
"Mabuti naman at napatahimik mo ang babaeng 'yun," sabi ko kay Kishandra habang inaayos ang mga gamit sa sasakyan.
"Oo, ang angas eh. Para namang hindi rin siya makukulong kapag nahuli tayo," sagot ni Kishandra habang pinupunusan ang baseball bat. Si Rhian naman ay abalang hinahanda ang mga tali sa likod ng van. Si Denver ay naunang sumakay at si Josh naghahanda na sa kanyang pagmamaneho.
"Bawal na tayong pumalpak ngayon, kaya pagbutihin natin ang trabaho, okay?" I reminded them. It will be our last day para damputin si Alexa kaya hindi kami pwedeng pumalpak.
"Basta kayo na ang bahala doon sa loob ng Auditorium. Ako na ang bahala kay Calyx," paninigurado ni Kishandra pagkatapos ay sumakay na sa van. Tumango lang ako sa kanya at sumakay na rin sa front seat.
They think it already ended, but for us? The real game is just starting.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
