PART 2 OF 31

294 9 0
                                        

PART 2 OF 31


Nagising ako dulot ng pananakit saaking katawan. Pagbukas ko saaking mga mata ay wala akong ibang makita kundi dilim at ang kaunting ilaw na nanggagaling sa labas. I tried to get up and fortunately ay nakayanan kong tumayo.


Pagtayo ko ay medyo tumunog ang sahig na tinatapakan ko. Nasan ba ako?


Bigla kong naalala ang mga nangyari kanina. Fuck! Si Calyx! Shit! Nasan si Calyx? Nasan ako? Bakit ako nandito? Napamura na ako sa utak dahil sa mga naaalala.


Calyx. He needs me!


Nahagilap ng aking mga mata ang isang pintuan. Tumakbo ako papunta dito at sinubukang buksan pero hindi kaya ng lakas ko. Nakakadena ito ng mahigpit at sigurado ako kung sino ang may kagagawan nito.


"Tulong! Tulong! Palabasin niyo ako dito!" naiiyak kong sigaw habang hinahampas ang pintuan.


Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng biglaan dito. Fuck that gang! Alam kong walang makakarinig saakin pero gusto kong tibayan ang loob ko.


Nakakatakot ang silid at nakakulong akong mag-isa na tila hindi makalabas. Nanginginig narin ako habang sumisigaw at nanghihingi ng tulong. Wala akong pakialam kung mawalan ako ng boses dahil ang importante ay makalabas ako dito ngayon.


Napansin ko ang isang maliit na bintana sa dulo ng silid. Maliit lang ang kwarto at kasya siguro ang tatlong tao.


Tumingin ako sa maliit na bintana at nagbabakasakaling makalabas ako gamit ito. Pagtingin ko sa labas ay kitang-kita ko ang napakalakas na buhos ng ulan at kasunod nito ay ang nakakatakot na kulog. Wala akong ibang makita sa labas kundi mga kakahuyan at tila ba para akong nasa gitna ng isang gubat.


Tinulak ko ang bintana ngunit hindi ito nasira. I pushed it again and again but nothing happened. Napasabunot nalang ako sa buhok at dahan-dahang napasandal sa pader hanggang sa makaupo ako sa sahig.


Napaiyak ako ng malakas at napayakap ng mahigpit sa sariling katawan. Giniginaw na ako dahil sa lamig na dulot ng ulan at dahil rin sa lamig na dulot ng sahig.


"Bakit ba nila ito ginagawa saamin? Wala naman akong ginagawang masama!" galit na pagmamakaawa ko sa kawalan kahit alam kong walang makakarinig saakin dito.


Bigla akong napatakip saaking tenga dahil sa biglaang pagtunog ulit nang nakakatakot na kulog. Mas nanginig tuloy ako at mas napaiyak. Ano ba talagang gusto nila? Bakit nila ginagawa ito saamin? Tsaka si Calyx? Nasaan si Calyx?!


Umiiyak ako sa kawalan dahil hindi ko na maintindihan ang lahat. Bakit? Ano ba kasing meron? Akala ko tapos na ang lahat. Akala ko wala ng manggugulo. Akala ko ay tapos na ang lahat ng sakit at pait, pero akala ko lang pala.


I remembered how Calyx was being punched. Napaiyak na naman ako dahil sa sakit ng mga nangyari. Calyx is always protecting me pero sa mga oras na siya ang nangangailangan ng tulong ay hindi ko siya natulungan. Am I too selfish?

When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon