PART 1 OF 3

520 23 0
                                    

PART 1 OF 3


"It's okay. Kahit ano pang mangyari ikaw pa rin ang pinakamagaling sumayaw para sakin" sabi niya habang nilalagay ang mga takas ng aking buhok saaking tenga.


I was so very very embarrassed of what happened earlier sa dance show namin. I forgot a part of our choreo and I stopped dancing while I was in still in the middle of the stage. Narinig ko ang mga hiyawan at tawanan ng mga tao kanina at sigurado akong usap-usapan na sa kanilang lahat ang pagpapakahiya ko.


The hell, I just want to cry! First time 'yon nangyari sakin kaya medyo hindi ako mapakali.


"Thank you," maikli kong sagot sa kanya. Then, he wrapped his arms around me and hugged me tight.


Nakaharap kami sa dagat habang nakaupo sa buhangin. Nililipad ng napakalakas na hangin ang aking buhok dulot na rin ng malakas na alon ng dagat. Nakakapagpakalma at nakakapagpagaan ng nagwawala kong puso ang tunog ng malakas na alon.


I never thought that this man in front of me is the man that I wanted and the man that I needed. He's always there with me when no one does. He believes in me. He protects me. He did everything just to make me happy. At kahit ilang beses pa akong mapalpak at mapahiya, hinding-hindi niya parin ako iniwan.


Bumitaw ako sa kanyang pagkakayakap at diretso siyang tinignan sa mga mata. His eyes are so beautiful and I don't regret staring them. I suddenly put my fingers in his curly hair and played it.


"You're so lucky because you're the only one I gave permission to touch my hair," he joked and cupped my face.


"Ang swerte mo din dahil ikaw lang ang pinagbibigyan kong hawakan ang mukha ko," I said before we laughed.


He's such an amazing guy. I can't imagine losing him.


Binitawan na niya ang mukha ko at binitawan ko na rin ang buhok niya. Napaharap kami ulit sa dagat at dahan-dahan kong isinandal ang mga ulo sa kanyang balikat.


Mas matangkad siya sakin dahil nga basketball player siya. Hanggang balikat lang ako sa kanya at ang kanyang mga buhok ay talagang natural na kulot. Mas maputi rin siya at mas makinis ang balat kesa sakin.


"I hope the sound of waves will always remind you of how much I love you. At sana kung dumating man ang panahon na wala na ako sa tabi mo ay maaalala mo parin ang pangakong ipinako ko sayo," he said while his tone sounded sad.


Hinawakan niya ang aking kamay at sinalikop ang aming mga daliri. Inalis ko ang aking ulo sa pagkakasandal at tumingin sa kanya. His eyes are sad but he's smiling.


"Hey, don't say that! Para kang namamaalam," I said.


He was still holding my hands pero mas hinigpitan niya ito na para bang ayaw niya akong pakawalan. Ngumiti siya at hinalikan ang aking noo.


"I will always love you, Alexandra...." he said.


"And I will always love you, Calyx...." I said.


"What the— shit! Anong Calyx? Anong Calyx ang pinagsasabi ko?! Bakit, Calyx!!" agad akong napabalikwas sa kama at gulat na sumigaw dahil sa naging panaginip.


Malinaw lahat ang nangyari ngayon saaking panaginip at presko pa rin saaking isip ang buong detalye. I put my left hand on my chest and felt that my heart is beating so fast. Giniginaw rin ako at hindi mapakali. Shit! What a bad dream!


Like as in Calyx? 'Yong supladong basketball player? Grrr! Bakit siya ang nasa panaginip ko? Epekto na ba 'to dahil sa galit ko sa kanya? Naiirita nga ako sa kanya sa personal tapos magpapakita siya sa panaginip ko? Wow ha! Kahit saan talaga niya ako sinusundan. Hindi niya ako tinitigilan!


Agad kong inabot ang cellphone na nakapatong bed side table ko sabay tinignan ang oras.


9 am na pala. Linggo naman ngayon kaya walang problema.


But I still can't believe that the man I hated appeared in my dream. Ano bang ginagawa niya do'n? Nag travel?


I immediately opened my messenger and decided to message one of my friends. Fortunately, online si Lestina kaya siya ang minessage ko.


Maghanda ka ngayon Calyx, maglalakas loob na akong komprontahin ka!



When The Rain Falls (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon