PART 1 OF 31

298 8 1
                                        

PART 1 OF 31


Dumating na ang bagay na kinatatakutan ko. Ang isang bagay na ayaw kong mangyari sa gitna ng buhay ko. Pilit ko mang maging matapang ngunit may mga oras talagang kailangan din nating maging mahina.


Kailangan nating maging mahina upang maramdaman ang bagay na kailangan para maging matapang.


Paano ka lalaban kung hindi mo alam ang iyong kahinaan?


"It's okay. Kahit ano pang mangyari ikaw parin ang pinakamagaling sumayaw para sakin," sabi ni Calyx habang nilalagay ang mga takas na buhok saaking tenga.


I was so very embarrassed because of what happened earlier sa dance show namin. I forgot a part of our choreo and I stopped dancing while I was in still in the middle of the stage. Narinig ko ang mga hiyawan at tawanan ng mga tao kanina at sigurado akong usap-usapan na sa kanilang lahat ang pagpapakahiya ko.


The hell, I just want to cry! First time 'yon nangyari sakin kaya medyo hindi ako mapakali.


"Thank you," maikli kong sagot sa kanya. Then, he wrapped his arms around me and hugged me tight.


Pagkatapos niya akong isakay sa sasakyan kanina ay hinayaan niya akong umiyak habang dinadala niya ako dito sa dagat kung saan din niya ako dinala noon.


Nakaharap kami sa dagat habang nakaupo sa buhangin. Nililipad ng napakalakas na hangin ang aking buhok dulot na rin ng malakas na alon ng dagat. Nakakapagpakalma at nakakapagpagaan ng nagwawala kong puso ang tunog ng malakas na alon.


I never thought that this man in front of me is the man that I wanted and the man that I needed. He's always there with me when no one does. He believes in me. He protects me. He did everything just to make me happy. At kahit ilang beses pa akong mapalpak at mapahiya, hinding-hindi niya parin ako iniwan.


Bumitaw ako sa kanyang pagkakayakap at diretso siyang tinignan sa mga mata. His eyes are so beautiful and I don't regret staring them. I suddenly put my fingers in his curly hair and played it.


"You're so lucky because you're the only one I gave permission to touch my hair," he joked and cupped my face.


"Ang swerte mo din dahil ikaw lang ang pinagbibigyan kong hawakan ang mukha ko," I said before we laughed.


He's such an amazing guy. I can't imagine losing him.


Binitawan na niya ang mukha ko at binitawan ko na rin ang buhok niya. Napaharap kami ulit sa dagat at dahan-dahan kong isinandal ang mga ulo sa kanyang balikat.


Mas matangkad talaga siya sakin dahil basketball player nga siya. Hanggang balikat lang din ako sa kanya at ang kanyang mga buhok ay talagang natural na kulot. Mas maputi rin siya at mas makinis ang balat kesa sakin.


"Alexa," malambing na tawag niya sa pangalan ko.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon