PART 1 OF 25

245 9 0
                                    

PART 1 OF 25


ROSE


"Cliff naman. Putangina, nananahimik ako dito tapos ako ang dinadamay niyo?" galit na tanong ko sa kanya.


Kasalukuyan kaming nasa hideout dahil nakarating na ang tawag kay Clifford kaninang umaga. Rhian, Kishandra, Denver, Clifford and Joshua are completely here.


"Wala ka nang magagawa, Rose. Ikaw ang naipangako naming liligpit sa kanya," seryosong sagot ni Clifford kaya napakuyom ang mga kamay ko.


Among the six of us ay ako lang talaga ang hindi kayang manakit ng tao. I've witnessed them killing and hurting someone but I haven't tried it. And I will never do.


"Ba't ka ba takot? Malaking pera ang ibibigay sa 'tin, Rose." singit ni Rhian at sinindihan ang kanyang sigarilyo.


"Takot akong pumatay, alam niyo 'yan! Bakit hindi nalang si Kishandra? Tutal, siya naman ang nanggigigil na saksakin ang babaeng 'yun!" agap ko.


Hell, I can't really kill that girl. It's out of the line!


"May iba akong trabaho, Rose. Kaya ikaw na muna ang gumawa niyan," sagot ni Kishandra.


"Mabuti na din 'yan para maka experience ka naman," sagot ni Joshua.


Medyo sumikip ang dibdib ko dahil sa narinig. Akala ko ako lang ang palaging magliligpit at hindi ko inaasahan na dadating ang oras na ako na ang papatay.


"Hindi ko talaga kaya, promise! Hindi ako katulad ninyo!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko sa kanilang lahat. Napatingin sila ng seryoso sakin at napataas ang kanilang isang kilay.


"Bakit ka ba ganyan, ha?! Nakinabang ka naman sa pagpatay nung dalawang estudyante!" biglaang sigaw ni Clifford.


"Gawin mo na, Rose. Alam kong kaya mo 'yan," ani Kishandra sa kalmadong tono.


Napaiwas ako ng tingin sa kanilang lahat dahil pinipigilan ko ang luha ko.


"Bakit hindi ikaw, Kishandra? Ikaw ang marunong dito eh!" sigaw ko sa kanya kaya napakunot ang noo niya.


"Ako ang magliligpit kay Calyx, kaya ikaw ang magligpit sa babae." seryosong sabi ni Kishandra sabay tayo.


When The Rain Falls (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon