PART 2 OF 24

320 7 0
                                        

PART 2 OF 24


"Gosh, Calyx! Sana hindi mo nalang ako dinepensahan sa comment," hindi ko makapaniwalang tanong kay Calyx.


Jeez, usap-usapan na sa buong campus ang balitang pag depensa niya sakin doon sa article.


"Give me a reason to stay quiet while people are talking bullshits behind you," seryosong sagot ni Calyx. Shit naman.


"Jusko po. Malilintikan talaga tayo nito ng grandpa mo! Alam mo bang kinakabahan na ako,"


Tangina naman. Bakit ba kasi big deal sa lahat ang pagkakaroon ng girlfriend ni Calyx? At bakit ba kasi napakabilis lang kumalat ng mga balita.


"I told you to not worry about that. I can handle my Lolo. And besides, my parents already knew about you." biglang napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.


Parents? Ano?!


"What?!" sigaw ko. Jusko, ano bang gulo ang pinasukan ko?


"It's not even big deal for them kaya 'wag ka nang mag-alala diyan. Halika na, hatid na kita pauwi." sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papunta sa kanyang sasakyan.


Hinatid nga ako ni Calyx pauwi at hinintay niya akong makapasok sa bahay bago siya umalis.


Nadatnan ko si mama na nag-aayos na naman ng flower pots dahil magsasara na ang flower shop. Napansin niya ang pagpasok ko kaya nagsalita kaagad siya.


"Ganda naman ng sasakyan ng jowa mo," nanlaki kaagad ang mata ko dahil sa sinabi ni mama.


"Ma, anong jowa?!" gulat na tanong ko. May pagka-chismosa pala 'tong nanay ko.


"Sus, pa deny-deny ka pa diyan." pang-aasar niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.


"Ewan ko sayo diyan Ma," inis na sagot ko at tumakbo papunta sa kwarto.


Seriously? Big deal na ba talaga sa mga tao ang pagkakaroon ng jowa?


Agad akong nagbihis ng pambahay na damit at inayos ng kaunti ang aking kwarto.


Ang dami talagang mga chismoso't chismosa sa buhay ko. Hindi ko labis maisip na ang tahimik kong buhay noon ay bigla nalang magiging ganito kagulo ngayon. Jusko, saan na ba ako lulugar sa mundong 'to?


Nasa kalagitnaan ako ng pagmumukmok nung biglang tumunog ang aking phone para sa isang mensahe. Baka si Calyx 'to.


Excited ko itong kinuha pero laking gulat ko dahil hindi ito galing kay Calyx. Binuksan ko ang mensahe at napakunot ang noo.


Unknown Number:

Break up with Calyx.


You:

Who's this?


Unknown Number:

Hindi na importante. I'm here to help you, just please break up with him!


You:

What? Why?


Unknown Number:

Your life's at risk right now.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon