PART 1 OF 8

491 19 0
                                        

PART 1 OF 8


"Abejo, pinapatawag ka raw ni ma'am sa faculty." isang kaklase naming ang biglang lumapit habang kaming magkakaibigan ay nag-uusap. Natigilan naman kami at napatingin kay Heisha dahil siya'y pinapatawag.


"Huh? Bakit?" tanong ni Heisha sa kaklase namin.


"May naghahanap daw sayo. Ewan ko, pero abogado daw." seryosong sagot ng kaklase namin.


Agad napalitan ng dismayadong ekspresyon ang mukha ni Heisha bago tumingin saamin. Nawala ang mga ngiti sa kanyang labi na amin namang naintindihan.


We know that it's her dad who was looking for her.


Hindi man sinasabi ni Heisha ngunit alam kong naiinis siya biglaang pagdalo ng kanyang tatay, pero wala naman siyang magagawa kundi puntahan at salubungin ang pagdalo nito. Napairap siya pagtayo bago nawala saaming pananaw.


Heisha's dad is a lawyer. For almost 4 years of friendship, we knew her better than her own family. 


Heisha Abejo has been living all her life in the rope that was being tied upon her. She's been pressured over his dad's ambition for her. Everything that her dad wants, is obviously not for herself. But for the sake of her father's reputation. She was being controlled like this but she didn't forget to give us smile on our faces. 


Sometimes, the happiest person is the person who's suffering the most pain.


Natapos ang dalawang subject sa hapon nang hindi parin nakakabalik si Heisha galing sa faculty. And when our class ended, the class president took his chance to announce that we are already fine to go home.


"Les, hindi pa nakakabalik si Heish?" kunot-noo kong tanong kay Lestina habang nagliligpit ng gamit.


"Oo, mukhang hindi pa. Ano ba kasing nangyayari sa daddy niya at bigla nalang sumusulpot dito?" nagtatakang tanong din ni Lestina na ipinagkibit-balikat ko. Obviously, kaming dalawa ni Lestina ay nagulat nga sa biglaang presensya ng tatay ni Heisha dito.


"Hindi ko rin alam. Pero sana okay lang sila," sagot ko at nagbabakasakaling hindi nga naging masama ang pag-uusap nila ng tatay niya.


Habang abala pa rin sa pagliligpit ay biglang padabog na nahampas ang pinto kaya agad kaming napalingon dito. Bumungad saamin ang kakapasok palang na si Heisha suot ang kanyang nakasimangot at hindi maintindihang ekspresyon. Anong problema nito?


Ang iba naming mga kaklase ay unti-unti ng lumalabas kaya hindi na kami masyadong marami dito sa loob.


Napantingin kami kay Heisha ngunit wala talaga siya sa mood at hindi na rin kami pinansin o kinausap man lang. Diretso siyang pumunta sa kanyang upuan at niligpit ang mga gamit na naiwan.


"Anyare sayo?" na tanong ni Lestina kay Heisha. Heisha stopped cleaning her desk and sighed. She calmed herself before talking.

When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon