PART 1 OF 4
"Crush mo pala si Calyx? Yiee," sinamaan ko ng tingin si Heisha pagkatapos marinig ang sinabi niya. Anong crush pinagsasabi ng gagang 'to?
"Fake news. Sa'n mo ba nasagap ang balitang 'yan ha?!" I defended. Hinampas ko si Heisha sa braso niya kaya napa-aray siya. Hindi ko naman kasi crush ang lampang 'yon eh! Sino ba kasing nagpapakalat nito?
"Kay Lestina, siya ang nag sabi sakin!" sagot ni Heisha kaya agad akong napatingin kay Lestina na ngayon ay tahimik na natatawa.
"Isa ka pa! Sasabunutan talaga kita ngayon!" hamon ko at umaaktong hahawakan ang buhok niya.
"Girl, kalma. Kung hindi mo siya crush, bakit galit ka? Hmm," sabi ni Lestina na may panghihinalang tono. Aba! Sinusubukan talaga ako nitong babaeng 'to ha.
"Pwede bang manahimik ka nalang? Hindi ko siya crush at naniningil lang ako ng utang niya!" padabog kong sambit. Hindi na sila ulit nakapagsalita ang nagkibit balikat nalang.
Hindi ko parin nakakalimutan hanggang ngayon ang panaginip ko tungkol kay Calyx. Gosh! Pasulpot-sulpot talaga bigla ang lalaking 'yon sa eksena.
Kasalukuyan kaming nasa gym para sa dance rehearsal, may gumagamit kasi ngayon sa auditorium kaya dito na muna kami. Hindi pa dumadating ang dance trainor namin kaya gumagawa nalang kami ng ibang pagkakaabalahan.
I looked at the other side of the bleachers and saw Lestina talking to the other dance club members. Well, she's a friendly type of person compared from me and Heisha, that's why she's the most famous among us. Heisha on the other hand, is not friendly but still gained more friends. And me? Well, hindi ako friendly at hindi rin ako feeling close. Ano bang pake ko sa mga bagay na 'yan?
I put on my earphones and played our music. Magpa-practice nalang muna ako para ma emphasize ko 'yung steps ng maayos. Tumayo galing sa pagkaka-upo at pumunta sa gilid dahil nakakahiyang magpractice sa gitna lalo na't ako lang ang nakakarinig ng music. Baka masabihan pa tayong baliw.
I repeated the most difficult part of the routine and tried to execute my body more. Hindi pa nga kami nagsisimula pero ramdam ko na ang aking pawis ko. But it's better to be like this than to be scolded because of our lazy moves.
When I'm about to play the music again, nahagip ng aking atensyon ang grupo ng mga kalalakihan na papasok ng gym habang may hawak na bola ang isang kasama. I removed my earphones and putted down my phone. Rinig ko ang iba kong co-dancers na sumisigaw at tumitili sa biglaang pagpasok ng mga lalaki.
Then, I saw him. Malinaw na malinaw. Anong ginagawa ng basketball players dito?? Kami ang naunang gagamit dito kaya naman wala silang karapatan para maglaro!
Lumapit ako sa mga kasamahan ko habang papalapit rin ang grupo nila Calyx. Hindi ko alam kung anong gagawin nila pero masama ang tingin ko.
"Hey girls!" isang lalaki sa kanilang grupo ang nagsalita. Oh! I knew him. Si Aiden, lol magkapitbahay kasi kami.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020