PART 1 OF 10
The next day, I get up early to get ready. Basketball is not really my thing but somehow, myself wants to watch them play. Or let's just say, I want to watch him play.
Jeez! Nababaliw na talaga ako. Kailan pa ako nagkaganito?
Mabilis lang din ang oras at kasalukuyan na nga kaming nakaupo sa isang bakanteng bleacher, hindi kalayuan sa court.
Dahil medyo maaga kami ni Lestina na dumating kaya naman naghintay kami bago ito magsimula. Pero kahit maaga pa naman ay halos maubos na ang buong espasyo ng bleachers ng aming gym dahil sa dami ng mga tao.
Halos sigawan at tilian na rin ang iyong maririnig sa buong lugar. Dahil nga't hindi kami sa malayo naka pwesto ay kitang-kita naming ang kabuoan ng court. Gusto ko din sanang ayain si Heisha kaninang madaling araw ngunit hindi siya pinayagan kaya si Lestina at ako nalang ang tumuloy.
Saaming paghihintay ay mga grupo ng manlalarong pumasok na hindi masaydong pamilyar saakin. Kulay berde ang kanilang mga jersey at halos lahat sila ay matatangkad. Wow, may gwapo din.
Sinundan ko ng tingin ang mga manlalaro pagpasok sa backstage ng gym at may mga apilyedong nahagip ng mga mata ko lalo na't malaki itong nakaukit sa likod ng kanilang mga suot. May Monsanto, Pelaez, Reyes at Agoncillo. Sobrang yaman naman pakinggan ng mga apilyedo nila.
"Les, anong school 'yong kalaban ng school natin?" tanong ko kay Lestina dahil alam kong halos alam niya lahat ang mga paaralan dito sa siyudad.
"Hmm, mukhang Pilgrim. Tama, Pilgrim Christian College ang kalaban natin ngayon!" sagot ni Lestina na tinangoan ko. Ahhh, ba't hindi ko 'yon alam? Malapit lang naman ang Pilgrim dito.
Ilang minuto na naman ang nakalipas at may pumasok na ibang players na nagpagising ng aking buong atensyon. Sa oras na nakita ko si Aiden na pumasok ay nasisiguro kong nandito na rin si Calyx.
The blue jersey's that they are wearing looked good on them. Ngayon ko lang na appreciate ang mga varsity players namin at naging proud din.
Panay ang tingin ko sa mga players namin at laking tuwa pagkatapos kong nahagip si Calyx. Katulad ng ibang players ay maayos din siyang tignan sa kanyang jersey na suot. Kahit may kausap siya ay hindi ko parin maiwasang mapangiti.
"Laki ng ngiti natin ah," napalitan kaagad ng seryosong mukha ang pagngiti ko dahil sa pang-aasar ni Lestina. Napalingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
Shit, ba't ba kasi talaga ako nakangiti?
"Kala ko ba ayaw mo sa basketball?" tanong ulit ni Lestina na may halong pang-aasar ulit.
"Alam mo, ewan ko sayo!" sagot ko sa kanya. Jeez, ba't ba kasi ako nandito?
Mang-aasa pa sana si Lestina ngunit napa-ayos din kaagad ng upo dahil sa inanunsyong magsisimula na ang laro. My attention was stilled on the court and I hope that my friend won't bothered me while watching the play. I'm kind of excited about this game.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
