PART 1 OF 23

294 9 0
                                        

PART 1 OF 23


SOMEONE'S POV


"Who are you to disrespect me! I am your grandfather and you have no right to raise your voice to me!" napatakip ako bigla sa tenga dahil sa nakakatakot na sigaw ni Senyor sa apo niyang si Calyx. Nasa gilid lang ako kaya hindi ko maialis ang pandinig sa usapan nila.


Nakatayo ang senyorito sa harap ng kanyang Lolo habang nakayuko. Ang ibang kasamahan ko ring kasambahay ay napatayo lang sa bawat sulok at takot na kumilos dahil sa nangyayari. Ngayon ko lang din nasaksihan ang ganitong pangyayari.


"I am your grandson for heaven's sake! Sino ka para pagbawalan ako sa taong gustuhin ko?" napaatras ako ng konti dahil sa ganti na sigaw ng Senyorito.


Napansin kong napakuyom ang kamay ni Senyor at parang bumibigat ang hanging hinihinga niya. Mainit ang tensyon nilang dalawa kaya walang niisang gustong magsalita saamin dito.


"Are you dumb? I don't like that girl for you! You deserve someone else!" sigaw pabalik ni Senyor.


"You're the dumb one here! I deserved that girl!" sagot ng Senyorito.


"Sana maisip mong ikaw lang ang nag-iisang lalaking apo ko! Of course, I want someone better for you! You really became blind of choosing a girl. Hindi naman kita pinalaki na ganyan. How pathetic," hindi makapaniwalang sambit ni Senyor.


"You know what? Sakal na sakal na ako sa mga gusto mong gawin ko. Hindi ba pwedeng kahit ito lang, pagbigyan mo ako?" pagmamakaawang sambit ng Senyorito.


Napasinghap ako dahil sa kalagayan nila. Kawawa naman ang Senyorito at ang swerte nung babaeng pinagtatanggol niya.


"That girl is not good for you. Wala akong tiwala sa kanya. Sana naman hindi ka pa tuluyang nabulag sa pagmamahal mo sa kanya. Hindi mo ba talaga naisip na baka pera lang ang habol niya sa'yo?"


"Alam mo, Lo? Kaya ka pala iniwan ni Lola dahil diyan sa ugali mo!"


Isang malakas na suntok ang agad naming nakita pagkatapos sabihin ni Senyorito ang salitang iyon.


Napahawak ako sa bibig habang tinitignan si Senyorito na humahawak sa kanyang panga. Pansin ko ring dumudugo na ang labi niya dahil sa lakas ng suntok ni Senyor.


Gulat parin ako sa lahat dahil unang beses ko itong makita sa sarili kong mga mata. Ang batang pinakamamahal ni Senyor ay nakayanan niyang pagbuhatan ng kamay.


"Papa! Anong nangyayari dito?!" nabasag ang munting katahimikan nung biglang dumating si Sir Ian. Ang daddy ni Calyx.


Nagmamadali itong lapitan ang anak niya na may dugo sa labi.


"What have you done?!" hindi makapaniwalang tanong ni Sir Ian sa tatay niya at hinawakan ang mukha ni Calyx.


"Such a disrespectful grandson. I will make sure na mawawala ang babaeng 'yun sa landas mo." ramdam ko ang takot sa seryosong boses ng Senyor bago siya naglakad paalis.


Nagulat si Senyorito sa sinabi ng kanyang Lolo kaya agad siyang napalingon sa kanyang daddy.


"Dad, whatever will happen, please don't let Lolo do something evil. Please," pagmamakaawa ni Senyorito sa kanyang ama. Napatango naman si Sir Ian bago niyakap ang anak at pinakalma. 


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon