PART 2 OF 26
CLIFFORD
"Sir, hindi po namin nadukot." balita ko sa kabilang linya.
"Bakit?! Ano ba 'yan, napakadali lang ng inutos ko sainyo!" medyo nailayo ko ng kaunti ang cellphone dahil sa lakas ng sigaw niya sa kabilang linya.
"Madudukot po sana namin kaso, may nakaalam po saaming plano. Natakot kami kaya hindi nagtagumpay ang plano," paliwanag ko. Puta, may sagabal kasi!
"Hangal! Ayusin niyo ang trabaho niyo! Siguraduhin niyong madudukot siya sa lalong madaling panahon! Let her die para mawala sa landas ng apo ko!" sigaw niya ulit bago pinatay at ibinaba ang tawag.
Napasinghap nalang ako at tinatagan ang sarili. Alang-alang sa pera, pagbubutihin ko ang trabahong ito.
Nagmamadali akong sumakay sa van namin at bumungad sila Josh at Kishandra. Si Josh ay nasa harapan dahil siya ang magmamaneho.
"Alis na tayo, Josh." utos ko kay Josh.
"Palpak! Tangina naman," galit na sigaw ni Kishandra at ilang minuto nalang ay magwa-wala na siya.
"Mga lintik talaga itong dumadating nalang bigla sa eksena. Pero 'wag kayong mag-alala dahil alam na ni Sir," kalmado kong sagot. Wala na talaga akong problema sa mga ganito lalo na't alam kong makakaya ko.
"Puta, Cliff. Excited pa naman akong sabunutan 'yun," gigil na sabi ni Kishandra saakin.
Napasinghap nalang ako at hindi siya pinansin. Simula nung umalis si Calyx dahil sa isang babae ay nagkanda leche-leche na ang grupong masayang nabuo noon. Mabuti nalang at kilala kami ni Sir Fausto at hindi alam ni Calyx ang koneksyon namin.
Gusto kong lamangan si Calyx ngayon kaya ito ang magiging isang simula sa pag-angat ko.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020