PART 1 OF 29

275 5 0
                                        

PART 1 OF 29


ROSE


"Manahimik ka, Rose. Dito ka lang at hinding-hindi ka makakalabas dito hangga't hindi kami nakakabalik," naikuyom ko kaagad ang aking mga kamay dahil sa sinabi ni Clifford.


Galit na galit ako sa kanila. Gusto kong lumaban pero nakatali na ang mga paa at kamay ko kaya wala akong laban. They should be the one helping me! How pathetic.


"Maghanda ka lang dito kung paano mo papatayin ang babaeng 'yun. Oras na maihatid namin siya sa kulungan niya, kukunin ka namin dito. Naiintindihan mo?!" sabi ni Kishandra at mahigpit na hinawakan ang aking buhok.


"Kaya pala hindi ka nagustuhan ni Calyx dahil diyan sa ugali mo. Siguro kung alam niya lang na pumapatay ka ng tao edi sana matagal ka na niyang kinalimutan!" dahil sa galit ay naisigaw ko ang mga salitang 'yon sa pagmumukha ni Kishandra. Bigla niya akong binitawan at hinarap, naramdaman kong nairita siya sa sinabi ko pero pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili.


"Alam kong ako ang pipiliin ni Calyx noon pero dahil dumating ang lintik na Alexa na 'yon, nag-iba ang tadhana. Kaya pwede ba? Manahimik ka diyan dahil naduduwag ka na!" sigaw niya ulit sa mukha ko pero hindi ako natinag.


"Humanda ka sakin Kishandra. Tinuring na kitang parang kapatid at sinuportahan kita sa lahat ng kamaliang ginawa mo pero ito lang ang ibabayad mo sakin? Napagkasunduan na nating lahat na ako lang hindi papatay dito! Pero bakit ako? Bakit ako ang ipapapatay niyo sa kanya?" mangiyak-ngiyak na sambit ko pero hindi nila pinansin ang pag da-drama ko.


Fuck you all! Oras na makalabas ako dito, makakatikim kayo ng kulungan!


"Arte. Para namang ang laki ng silbi mo dito. Palagi ka lang naman nagtatrabaho at nagliligpit ng mga kalat. Kaya why not bigyan ka namin ng mas exciting na trabaho?" sabi ni Kishandra at napatawa silang lahat. Puta, hindi na kayo nakakatuwa!


"Oras na malaman ni Calyx na ikaw ang sumaksak sa cheerleader, maghanda ka na. Dahil bago ko pa mapatay si Alexa, ikaw na ang mauuna." pananakot ko sa kanya.


Napairap siya sakin pero napansin kong natatakot siya. Sa ilang taon naming nagsama ay alam ko na ang kahinaan nila. Kishandra is fool when it comes to Calyx, kaya alam kong nainsulto siya sa sinabi ko. Kaya tandaan niyo 'yan, mga traydor!


Akala ko ay simpleng lalapit lang si Kishandra saakin ngunit nagulat ako sa biglaang ginawa niya.


Biglang namanhid ang mukha ko dahil sa napakalakas na suntok ni Kishandra, halos hindi ko na maikilos ng maayos ang aking mukha. Naiiyak na din ako dahil sa sakit pero hindi niya ako tinigilan, at sa huling pagkakasuntok ay nawalan na ako ng malay.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon