PART 2 OF 20

336 9 1
                                        

PART 2 OF 20


Sa bawat halik ay may damdaming nananabik. Sa bawat hinga ay may hanging nagbibigay buhay sa mga pusong matagal namatay. At sa bawat hiling, ay may mga yakap na gusto mong palaging makapiling.


"What the freak? Kayo na?!" gulat na tanong ni Lestina pagkatapos kong ikwento sa kanila na sinagot ko na si Calyx noong sabado.


"Tangina, ba't pa bigla-bigla?!" singit ni Heisha.


I also can't believe na may boyfriend na ako. Imagine, I don't know anything about love but Calyx became my first boyfriend. Destiny is really good at playing.


"Huwag nga kayong OA diyan, sinagot ko lang naman siya." agap ko.


"Amputa, hindi ka na single! Kala ko pa naman ako ang unang magkakajowa sa 'tin!" sabi ni Lestina kaya napatawa ako. Oo nga 'no? Siya 'yong pinakamalandi pero wala pa rin siyang naging boyfriend.


"Unfair," singit ulit ni Heisha.


"Kawawa naman jowa mo Heish kapag nag cheat siya, kasi abogado tatay mo." biro kong sabi sa kanya.


"Gosh, speaking of dad. Alam niyo bang napapadalas ang punta niya kila Keila?" biglang pag-iiba niya sa usapan kaya nabago ang atmospera namin.


Hindi parin pumapasok si Keila hanggang ngayon o baka nga hindi na talaga siya papasok.


"Huh, bakit naman?" tanong ni Lestina.


"Ewan. Hindi parin naman nakikita ang suspect, eh kaya doble oras silang nagta-trabaho ngayon." sagot ni Heisha at nagkibit-balikat. Damn, akala ko pa naman tapos na ang lahat.


"Ang importante ay buhay tayo. Hala, baka din aampunin na ng daddy mo si Keila," birong sambit ni Lestina.


"Gago ka ba?" sagot ni Heisha kaya napatawa kaming lahat.


Hindi nalang namin pinagtuonan ng pansin tungkol sa issue na 'to dahil wala naman kaming magagawa dito.


If it was destined to happen, then you should just learn to live with it.


Pagkatapos ng klase ay kaagad kong nakita si Calyx sa labas ng classroom na nakatayong naghihintay. I forgot to tell you that Calyx is one-year older than me. We were both in Grade 12 but we are in different strands.


"Ayan na pala jowa mo," sambit ni Heisha at ako'y siniko.


"Anyways, bye! Sana maging masaya kayo!" sabi ni Lestina at biglang nagpaalam sabay hila kay Heisha papalayo sa 'min.


Ang ibang mga kaklase kong lumalabas ay panay ang tingin kay Calyx. classmates Siguro 'yong iba ay nagtataka kung bakit siya nandito. Hindi na muna ako lumapit sa kanya at hinintay na makalabas lahat ng kaklase.

When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon