PART 2 OF 2
"Presence of mind please! Para naman kayong mga tanga sumayaw. From the top!" galit na galit na sigaw ng aming dance trainor dahil hindi siya na satisfied saaming mga galaw.
Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya at bumalik sa unang pwesto. Grrr, nakaka stress naman ng dance club na 'to. Imbis rest day ko sana ngayon, eh!
Naka limang ulit kami sa sayaw bago in-announce ng aming na kami ay tapos na. May dance class daw kasi siya kaya kailangan naming matapos ito ng maaga.
Pagkatapos ay agad na akong lumapit sa bag at kinuha ang water bottle para makainom ng tubig dahil uhaw na uhaw na ako.
Gosh! Nakaka stress naman 'tong sayaw namin.
"Hoy!" isang annoying na boses ang biglang tumawag saakin pagkatapos kong uminom ng tubig. Napalingon ako sa kanya bago nagsalita.
"Hoy ka din!" ganti ko kay Lestina.
"Sa'n tayo kakain?" tanong niya at lumapit sakin habang dala-dala ang kanyang maliit na backpack.
"Sa kainan," pilosopa kong sagot sa kanya at tahimik na natawa. Sasagot pa sana siya pero hindi niya natuloy dahil may epal na boses ang biglang sumigaw papalapit saamin.
"Mga mamser! Sa'n tayo? Gutom na po ako," si Heisha, na parang tangang nakahawak sa tiyan niya.
"Edi kumain ka!" sagot ni Lestina sa kanya. Agad naman itong napahawak sa batok niya dahil binatukan siya ni Heisha.
"Mabuti pang kumain na tayo dahil gusto ko ng umuwi," agap ko sa kanilang dalawa.
Sabay silang tumingin saakin at kumunot ang mga noo. Ano? Anong masama sa sinabi ko?
"Uuwi ka na?" tanong ni Lestina.
"Oo, pagkatapos kumain. Inaantok na kasi ako at gusto ko ng matulog," sagot ko sa kanila habang pinupunasan ang pawis ko.
"No! Manood muna tayo ng practice sa basketball mamaya!" pag-aaya ni Lestina dahil hindi siya sang-ayon na uuwi na ako.
Basketball? Hindi ko 'yun type tsaka ano bang magiging ambag namin do'n?
"Oo nga. Sige na Lex! Manood tayo please," pilit ni Heisha saakin at hinawakan ang aking braso sabay yugyug nito.
"Heh! Nakakatamad, tsaka ano bang gagawin natin do'n?" tanong ko sa kanila dahil nakasimangot na ang kanilang mga mukha.
"Syempre mag che-cheer!" masiglang sagot ni Lestina.
"Hindi tayo cheerleader," sagot ko
"Sige na! Kapag hindi ka sasama, F.O na talaga tayo" pagkukumbinsi ulit ni Heisha sakin.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
