PART 1 OF 11
Monday came and all our schedule are full. Activities here, activities there. May practical research din na halos ikamatay ko na dahil individual itong gagawin. Jusko, mga shoolworks talaga ang papatay sakin. Chill now, cramming later.
"Psst, may practice daw tayo mamaya." napabaling ang atensyon ko kay Heisha pagkatapos niya kaming balitaan habang may ginagawa pang activity.
"Ha?! Bakit napaka biglaan naman?" gulat kong tanong. Ang galing talaga nitong dance club namin, eh. Pabigla-bigla nalang nag a-announce ng practice. Ikakamatay ko na talaga 'tong pag sunod-sunod ng gagawin namin.
"She messaged us in our gc 13 minutes ago. Sabi niya na para daw sa nalalapit na foundation day ang presentation natin," paliwanag ni Heisha at ipinakita ang mensahe galing dance club president namin.
"Ay puta naman, ngayon pa talaga siya nag announce. Mabuti nalang at may extra tayong damit sa locker," komento naman ni Lestina. Napakunot ang noo ko pero bigla namang naalala na may damit nga kami sa locker na pwedeng gamitin.
"Wait. Is your dad fine with it? Baka hindi ka payagang maka-uwi ng gabi mamaya." nilingon ko si Heisha at tinanong kung papayagan ba siya. Baka kasi hindi siya papayagan at kaladkarin siya pauwi sa kanila.
"Hmmm, maybe. I'm not sure pero hindi naman siya pupunta dito mamaya kaya sasali ako. And besides, he's busy with some office works today so he I'm sure that he won't pay attention about me." Heisha answered full of assurance. It feels like freedom for her.
"Hala, oo nga pala kamusta na 'yong kaso? Ano na daw ba ang balita tungkol doon?" biglaang tanong ni Lestina kay Heisha.
Biglang nag-iba ang mood naming tatlo pagkatapos maalala ang bagay na tinanong ni Lestina. Napalunok si Heisha at tinignan kami. She gestured us to compress and create a small circle that only the three of us will heard about what she's going to say. Good thing that we are far from our classmates.
"Okay, here's the update. Based on what I've heard from my dad, he said that the victims and suspect are not in good terms. It seems like they knew each other and when the suspect became mad at them, he or she decided to kill them. I'm not sure about the gender of the suspect so I don't really know what correct pronoun should I use" Heisha seriously explained to us.
"And then, the suspect is still missing until now. But it was confirmed that the suspect is not a student in our University. Let's also say that there's no any CCTV camera that can point us to what exactly happen" she added.
I am honestly shocked after I heard that from Heisha. The suspect is not a student here and it was like we don't know if that suspect is just here, walking around, looking for another target. Damn, I'm freaking nervous.
"Gosh, nakakakilabot." medyo takot na sagot ni Lestina.
"Hindi ko na alam ang full details at 'yon lang mga narinig ko sa kanila. That's why my dad is always telling me to take care and be alert at all times. If we feel something strange around here, let's immediately report it." sabi ni Heisha kaya napatango kami.
Hanggang sa matapos ang klase ay hindi mawala sa isip ko ang takot pero hindi na naming ito pinag-usapan ulit.
Wala namang masyadong espesyal sa ginawa namin pagkatapos ng klase. Nagligpit lang kami ng mga gamit at dumiretso sa locker para kunin ang mga gagamiting damit na susuotin sa practice. And after we changed our clothes, we immediately headed to our dance room.
Habang papunta sa dance room ay nakakasalubong namin ang ibang mga estudyante. Medyo marami na sila at siguradong kakatapos na rin ng mga klase nila.
Naglalakad na kami pasilyo papuntang dance room nang may mahagip ang aking mga mata.
Oh, shit.
"What the hell. Lestina, tignan mo!" siniko ko si Lestina at medyo nagpanic na tinuro ang babaeng nakita.
Napalingon naman kaagad si Lestina sa tinuturo ko kaya sabay kaming gulat na gulat sa nakita. But when we looked at her for the second time, that's when I realized that she's not alone.
Wait, what? Is that Calyx?
Magkatapat si Calyx at ang babaeng nakaaway namin ni Lestina noong nakaraang linggo. May pinag-uusapan sila at halatang seryoso ito dahil kitang-kita sa kanilang mga ekspresyon. Sino ba kasi ang babaeng 'yan? Magkakilala pala sila?
"Oy, sino 'yan?" singit na tanong ni Heisha. Oo nga pala, hindi niya alam ang tungkol sa kanya.
"A bitch," inis na sagot ni Lestina.
"Gosh, magkakilala pala sila ni Calyx? Kaano-ano kaya niya ang babaeng 'yan? Siguro kaibigan," sambit ko sa kawalan.
"Ay wow, selos ka girl?" nagulat ako sa pang-aasar ni Lestina kaya napatikom ulit ang bibig ko.
What the hell. Did I say something about Calyx and that girl? Jeez, I've fallen into the trap again.
"Putangina, Lestina. Pwede bang tumigil ka na sa kakaganyan? Hindi ka na nakakatuwa. Halika na nga Heish, iwan na natin tong babaeng 'to." I said while wearing my irritated expression. Gosh, Lestina's really giving me a headache.
It's not a big deal for me to saw Calyx talking with another girl. But I'm just curious if they really knew each other. Are they close friends? I don't know. I hate the girl and it feels weird to know that they are friends.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Genç KurguEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020