PART 1 OF 21

314 9 0
                                        

PART 1 OF 21


"Hell," pabulong na sambit ni Heisha dahil sa na-ikwento ko.


I hate how Calyx's grandpa acted last night. Kinakabahan tuloy akong kasama si Calyx dahil baka may binayaran na naman ang lolo niya para sundan siya sa lahat ng kanyang kilos. But Calyx assured me that he will protect me from whatever his grandpa will do.


Hindi ko din inaakalang ganito pala ang grandpa niya sa kanya. Maybe it's because Calyx grew up with his granpa and not with his own family. He told me that he can just rarely see his parents and sister before.


"Kinakabahan na nga akong kasama si Calyx, eh. He's acting weirdly towards his grandson," I said to them.


Wala na namang guro ang pumasok sa subject namin ngayon kaya nabigyan ulit kami ng bakanteng oras.


"Alam ba ni Senior Salvador na ikaw ang kasama ni Calyx?" tanong ni Lestina.


"I don't know. Feeling ko hindi niya alam kaya kinakabahan akong makasama ulit si Calyx," sagot ko.


Tuloy parin kaming kumain kagabi ni Calyx kahit na alam naming may sumusunod. Sabi niya kasi na hindi ako dapat na mag-alala dahil wala daw karapatan ang kanyang grandpa sa kung sino ang gusto niyang makasama.


I suddenly felt guilty because he chose me over his grandpa. Natatakot din ako na baka pag makilala ako ng pamilya niya ay ayawan nila ako.


"Kalma ka nalang diyan, girl. Sigurado akong gagawin ni Calyx ang lahat para sa'yo," sabi ni Heisha para hindi na ako mag-alala.


"Still, I hate the fact na pinapasundan niya si Calyx. Ngayon niya lang ba nakitang may kasamang babae ang apo niya? Tsk, sobrang overprotective." sagot ko sa kanila at umirap.


Pagkatapos ng pang-umagang klase namin ay tanghalian na. Medyo maingay na sa labas dahil may mga estudyanteng naglalakad sa hallway. Kinuha ko muna ang wallet ko at nag-ayos kaunti ng mukha.


"Hali na kayo, baka puno na sa canteen." aya kaagad ni Heisha samin.


Naglakad na kami sa hallway at marami na ngang estudyante ang nakakasalubong namin. Meron ding mga estudyante ang panay tingin sakin at hindi ko alam kung anong problema nila.


"Ate, hi!" isang estudyanteng babae ang bumati sakin at hinarangan ang daanan ko. She's from the lower year.


Napahinto din sila Heisha at Lestina na nasa tabi ko dahil sa presensya ng babae.


"Hello?" hindi ko sure na bati pabalik sa kanya.


"Kayo po baa ng girlfriend ni kuya Calyx?" napaawang kaagad ang bibig ko dahil sa tanong niya. Freak, sino bang nagpapakalat nito?!


Ngumingiting naghihintay ng sagot ang babae kaya napalingon ako sa mga kaibigan at sinenyasang tulungan ako. Hindi ko pwedeng sagutin ito dahil ayaw kong may makakaalam. May mga iba ding estudyanteng napapadaan kaya ayaw kong marinig nila.


"Pasensya na pero Nagmamadali kasi kami, eh. Halika na Alex," lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Heisha. Gosh, mabuti naman.


"Ay, sorry po. Sige po," pagpapaumanhin nung babae sakin bago ako hinila nila Heisha.


"Muntik ka na dun ah," komento ni Lestina habang pababa na kami.


"Muntik na talaga. Kinabahan tuloy ako," sagot ko sa kanila. Natatakot din ako na baka kumalat sa buong campus at malaman pa ng grandpa ni Calyx.


"Thanks to me," Heisha proudly said kaya napatawa kami.


Pagbaba namin ay mas marami pa pala ang mga estudyanteng nandoon sa baba. Ngunit hindi namin ito pinansin at panay pa rin ang tawa at chikahan naming tatlo dahil sa mga kabaliwang topic.


Papalapit na kami sa canteen pero hindi parin nauubusan ng topic si Heisha kaya ang atensyon ko ay nasa kanya. Habang nagsasalita siya saaming gitna ni Lestina ay hindi ko napapansin ang mga taong nakakasalubong dahil nasa kanya lang ang tingin ko.


And when I was about to answer Heisha, I suddenly bumped into someone's chest.


Napahawak ako sa ulo at napa-aray dahil sa lakas ng pagkakabunggo nito. Napahinto din ang mga estudyanteng naglalakad at napatingin sila sa direksyon namin.


Inangat ko ang aking tingin sa taong nabangga ko at biglang nanlaki ang aking mga mata. Nanginig ako bigla dahil sa nangyari but I tried hiding my nervousness and changed it into an apologetic vibe.


Mr. Fausto Salvador stood in front of me wearing his very serious and intimidating look. He's already around 65 but his presence is still very scary.


"I-- I'm sorry, Sir! I'm very sorry! Hindi ko po sinasadya," paulit-ulit kong paumanhin habang ilang beses ding yumuyuko.


I can feel the students attention towards us and my friends are still silently standing beside me.


This is hell. Sa dami ba naman ng pwede kong makabangga ay ang lolo pa talaga ni Calyx.


Hindi nagsalita si Mr. Salvador at tinignan niya lang ako sa napakasamang tingin na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Shit.


"I'm really sorry, Sir! Hindi na po mauulit," paghihingi ko ulit ng patawad. Kinakabahan na ako sa presensya niya dahil first time kong makita siya ng malapitan at worst, nabunggo ko pa.


I was about to apologize again but he suddenly talked so I immediately paid my attention to him.


"My grandson has a bad taste of choosing a girl. I raised him nicely and I taught him to pick someone who can obviously take care of him. Anyways, watch your step next time, young lady." napaawang ang bibig ko sa sinabi niya bago niya ako nilagpasan at naglakad palayo.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon