PART 2 OF 4

441 20 0
                                    

PART 2 OF 4


"Oh, ayan. Tignan mo ang ginawa mo, nakapahamak ka ng isang tao!" dismayadong sambit ni Heisha sakin.


Kasalukuyan kaming nasa labas ng clinic habang sila Calyx at ang mga kasama niya ay nasa loob. Nakaupo lang kami dito sa labas para hintayin sila na lumabas galing sa clinic.


Jeez, I'm so disrespectful. Ako ang nahihiya sa mga ginagawa ko.


Dismayado rin akong umiling sa mga kaibigan pagkatapos maalala ang mga bayolenteng ginawa. Talagang mata pa ni Calyx ang natamaan ko. At siguradong masakit 'yon dahil sa lakas ng pagkakatama ko. Shit, paano kung mabulag siya? Handa ko bang ibigay ang mata ko sa kanya? Oh, hell no.


My actions are so inappropriate. Kasalanan talaga 'to ng pagiging maiiritahin ko, eh.


Pero paano kung magsusumbong si Calyx sa lolo niya tapos napag desisyonan akong e-drop dito sa school? Oh My God, I'm so done na talaga.


"Ano ba kasing nangyayari sayo, Alexa? Ganoon na ba talaga ang galit mo kay Calyx? Gaano ba talaga kalaki ang kasalanan niya sayo?" napayuko ako kaagad pagkatapos pagalitan ni Lestina. Dismayado siyang tumingin saakin na para bang ina na pinapagalitan ang anak niya.


"Hindi ko sinasadya, okay? Oo, naiinis ako kay Calyx pero hindi ko naman ito ginusto. Kasalanan kasi 'to ng ibang mga kasamahan niya, eh!" paliwanag ko sa kanila. I don't know what to do now but it's so obvious that I should be the one to be blame here.


"Kailangan mong humingi ng tawad sa kanya. Hindi mo siya kilala, Alexa at hindi mo kilala ang pamilya niya. Paano kung nagka-infection ang mata niya? Napakalakas ng tama mo kanina at kita mo namang nadapa talaga siya. Tangina, hindi ka naman ganito noon ah" pang se-sermon ulit ni Heisha sakin. Hindi siya mapakali habang iniisa-isa ang mga nagawa kong kahihiyan. She's disappointed towards my actions and I don't have the right to complain. This is really my fault.


"I'm sorry, okay? I will fix everything, I promise" sagot ko sa kanila at itinaas ang kanang kamay para sabihing nangangako talaga akong aayusin ko ang problemang ito.


"OMG, Where's Calyx?" isang boses ang bigla sumingit sa gitna ng aming dismayadong atmospera at ito'y nanggagaling sa isang babaeng naglalakad patungo saaming direksyon.


Kasama niya ang ibang mga dancemates ko at may kasama din siyang ibang mga babae na medyo pamilyar sakin.


Agad naman nilang nakuha ang atensyon naming magkakaibigan kaya napalingon at napataas ang aming mga kilay. Anong ginagawa nila dito?


"Bestfriend mo," rinig kong bulong ni Lestina na nasa tabi ko.


Oh, right! Speaking of bestfriend, the girl in front of us is Keila. She's the very annoying famous cheerleader and I hate her. We hate her. She's pretty but we heard some issues about her that she doesn't know any proper hygiene. Gross.


"You're Alexa, right?" bigla akong nagulat sa kanyang tanong pagkahinto niya saaking harapan. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit hindi ako nagpatalo at tinaasan ko rin siya.

When The Rain Falls (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon