PART 2 OF 23

246 8 0
                                    

PART 2 OF 23


SOMEONE'S POV


"Kailan daw ba tayo kikilos?" tanong ni Joshua na isa kong kasamahan.


"Hintayin lang daw natin ang tawag," sagot ko sabay sindi ng sigarilyo.


"Sigurado ba kayo diyan?! Alam niyo bang delikado!" sigaw bigla ni Rose sa harap namin kaya napatakip ako sa tenga.


"Malaking pera ang ibabayad kapag nailigpit natin. Tsaka 'wag kang mag-alala hindi tayo makukulong nito," pagsisiguro ko sa kanya.


"Tangina! Hindi ako pumapatay ng tao kaya hindi ako sasali sa gagawin ninyo!" sagot ni Rose na para bang natatakot kaya napakunot ang noo ko.


"Tanga, para ka namang hindi pumatay noon." supladong sagot ko.


"Ako ang nagliligpit pero hindi ako ang pumapatay. Tsaka isipin niyo muna, girlfriend ni Calyx ang liligpitin natin! Hindi basta-bastang babae lang!" takot parin na sigaw ni Rose at pabalik-balik na naglalakad sa harap ko.


"Eh, ano naman? Mabuti na 'yun nang bumalik na si Calyx satin," sagot ko.


"Jusko! Oras na malaman 'to ni Calyx sigurado akong makukulong tayo! Alam niyo naman kung gaano ka makapangyarihan ang pamilya niya!" ulit ni Rose. Medyo sumasakit na ang tenga ko dahil sa sigaw niya.


"Basta, 'wag ka nang matakot diyan." kalmado kong sagot.


"Bakit ba hindi kayo natatakot, ha?!" sigaw niya ulit. Hindi ba nauubusan ng laway ang babaeng 'to?


"Ba't naman ako matatakot kung Lolo niya naman ang nag-utos?" bigla siyang natahimik at nanlaki ang mga mata dahil halatang nagulat sa sinagot ko. 


When The Rain Falls (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon