PART 2 OF 5

533 16 0
                                        

PART 2 OF 5


Pagkatapos naming mag-usap kagabi ni Calyx ay hindi pa rin ako mapakali paggising. Kaya naisipan kong kausapin siya ng personalan para mas gumaan ang loob ko at masigurong hindi nga niya ako pagbubuntungan ng galit.


Calyx is really nice at ngayon ko lang ito napansin. Palagi nalang kasi niya akong dinededma noong mga nakaraang araw kaya akala ko ay masama siya, pero hindi. Ako pala ang masama dito.


"Anong gagawin natin dito?" tanong ni Heisha sakin habang naglalakad papalapit sa bleachers.


"I just want to check on Calyx," sagot ko sa sa kalmadong tono at sinigurong wala itong ibang ibig sabihin.


"Hmm, I smell something strange here" komento ni Lestina pagkatapos naming makaupo sa bakanteng bleacher.


"Gago. Kayo nga 'tong pinipilit akong ayusin ang nagawa kong mali tapos bibigyan niyo rin pala ng malisya," pairap kong sagot kay Lestina.


"Sige. Kunwari na convince kami" biro ni Heisha.


"Isa ka pa! Gusto mong tamaan din kita katulad ng ginawa ko kay Calyx? Baka dalawang mata mo ang matamaan ko, sige ka." I threatened her. Ang daldal kasi, eh.


Tanaw mula sa kinauupuan namin ang mga manlalaro na nagsisimula ng maglaro ng basketball sa gitna ng court. Bigla nahagip ng aking mga mata si Calyx at napansin ang suot na eye patch. Gosh, nagi-guilty ulit ako.


Seryoso ang lahat sa paglalaro kaya hindi nila napansin ang mga taong nanonood sa kanila. And I'm sure na hindi niya rin alam na nandito ako. I don't know what's going on about their game but I just watched and focused my attention to him.


Mabuti nalang talaga at hindi niya sinumbong sa kanyang lolo ang nangyari dahil baka hindi na ako makakatapak ulit sa paaralang ito. Tiyak na papagalitan din ako ng mga magulang lalo na't pinaghirapan nila akong ipa-aral sa paaralang pangmayaman.


May narinig din akong chismis kung saan may mga nagagalit saaking ibang estudyante dahil sa nangyari kahapon. Tsk, napakabilis talagang kumalat ng balita. Pero wala naman akong pake dahil hindi naman sila ang tinamaan ko ng bola, hmp. Halata namang nagpapapansin lang sila kay Calyx, eh.


"Yay! Go Xyrus!" nabuhay ang diwa ko pagkatapos marinig ang sigaw ni Lestina sa isang pangalan ng player na hindi naman pamilyar sakin. Hanep, napakalandi talaga ng babaeng 'to.


"Sana all," sagot ni Heisha.


Minsan naiirita ako sa dalawang kaibigan lalo na't napakadali lang nilang lumandi samantalang ako ay wala talagang kaalam-alam tungkol diyan. I can't relate. Kaya siguro wala pa akong jowa hanggang ngayon. Hindi rin ako madaling ma inlove tsaka wala pa talaga akong plano.


"Ay, guys. Kailangan ko palang pumunta ng canteen, may dapat lang akong bilhin" biglaang paalam ni Lestina saamin.


"Anong bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon