PART 1 OF 24
"Kainis! Sasayaw na naman daw tayo," reklamo ko pagkatapos malamang sasayaw kami sa isang event bago mag christmas break.
"Hayaan mo na, last na 'to for this year!" sambit ni Heisha.
"May aabangan na naman si Calyx, yieee." pang-aasar ni Lestina kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
Mabuti nalang talaga at hindi na ako masyadong nababagabag sa Lolo niya. He really assured me that everything's going to be fine.
Napasinghap nalang ako dahil hindi na naman pumasok ang English teacher namin. Ano bang silbi ng tuition fees namin dito kung hindi naman kami tinuturuan ng maayos?
"Oh my freaking goodness!" nagulat ako dahil sa biglaang reaksiyon ni Heisha habang nakatingin sa phone niya. Anong nangyari sa babaeng 'to?
"Bakit?" kunot noo kong tanong. Napakunot din ang noo ni Lestina bago ipinakita saamin ni Heisha kung ano ang ikinagugulat niya.
"What the effin fudge!" napatayo ako dahil sa gulat pagkatapos mabasa ang balitang patuloy pa rin kumakalat hanggang ngayon.
Tinignan ko ulit ang website at muntik himatayin dahil sa mga komento at rekasiyon ng mga tao.
I saw this article last week and it wasn't really surprising like this today. Hindi naman nagtagal ng isang araw ang balita noong nakaraang linggo, pero ngayon ay halos mga magulang at mga taong taga ibang paaralan ang nakakaalam nito. Oh shit, ano na ang mangyayari nito ngayon?
"Dead," sambit ni Lestina.
'Gosh, something's fishy. Baka pineparahan lang siya ng girlfriend niya.'
'Kapitbahay ko ang babaeng 'yan noon, hindi naman sila mayaman pero nakabingwit ng milyonaryo.'
'Taga ibang paaralan ako pero maganda din palang maki-chismis sa mga estudyante dito.'
'Calyx is my inaanak, and I didn't even think that he will end up to someone I don't know. Akala ko sa anak ko siya babagsak. I will let Fausto know about this'
Napasabunot ako sa sariling buhok at hindi kinaya ang lahat nang binasa. Tangina, sino bang nagsabi na ipakalat ito sa labas ng paaralan?!
Napatingin naman kaagad ako sa mga kaklase at isa-isa silang sinamaan ng tingin.
"Hoy! May kinalaman ba kayo dito?" galit na sigaw ko sa buong klase ngunit hindi man lang sila natakot.
Inagaw ko galing kay Heisha ang phone niya at ipinakita sa buong klase ang artikulong may halos sampung libong komento.
"Sinong kasali sa JNL Log dito na pinakalat ang artikulo sa labas ng paaralan na ito?" inis na tanong ko sa kanila.
"Ba't ka galit? Totoo naman, diba?" nagulat ako sa biglaang pagsasalita ng isa kong pabidang kaklase.
"At ano sa tingin mo ang karapatan mo para ipagkalat ito?" taas kilay kong tanong sa kanya.
"Everyone deserves to know. Para naman ma aware sila, baka kasi ginagamit mo lang siya para sa pera." sagot niya. Shit, nakakairita ang babaeng 'to ha.
"Excuse me! Paki-ulit nga ng sinabi mo nang masabunutan kita!" inis na singit ni Lestina at hinarap ang babaeng pabida.
"Baka gusto mo ring ipagkalat ko ang baho mo?" matapang na sagot ni Delia. Ang pabidang babae. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong baho? Kay Lestina?
"Magkakamatayan muna tayo bago mo magawa 'yan," palaban din na sigaw ni Lestina.
Biglang tumunog ang cellphone ni Heisha habang hawak ko. It seems like a notification just popped up. Bigla kong naibaling ang atensyon dito at nagulat dahil sa nakita.
'Yes, it's true that she's my girlfriend and you don't have any right to talk something bad about her. She doesn't deserve all your hate and stop talking like this in the comment section. You might think that this is all about money but the truth is, she's different from all of you. So please shut up if you don't know anything about us. Thank you.' Calyx Salvador.
Calyx replied that made everyone in the comment section surprised. I can't even react properly because of what he said. Damn, I hate where this is going.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Ficção AdolescenteEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020