PART 1 OF 27

296 9 0
                                        

PART 1 OF 27


"Keila, what are you doing here?" gulat kong tanong.


"Look, I'm not here to fight, okay? Calyx is coming so you need to calm down!" sabi ni Keila at lumapit saamin bago kami pinakalma.


"Were you the one who's slamming the door earlier?" Heisha asked Keila.


"No, it's not me. But I'm the one who shut them," Keila answered that makes me confused.


"What's going on here? Care to explain?" I asked Keila.


"It's not the right time to explain everything, but I need to inform you to calm down and always keep safe. They can't touch or harm you, okay?" paniniguro ni Keila samin. Harm?


"Ba't ang bait mo na ngayon?" biglaang singit ni Lestina kaya naningkit ang mata ko. Feeling ko makikipag-away na naman ang babaeng 'to.


"Hindi parin ako mabait. I'm still the bitch that you knew pero ang kaibahan lang ay kailangan niyo ng tulong, kaya tutulungan ko kayo." sagot ni Keila kay Lestina.


She's brave. At halata ring maayos na siya. Pero ano bang alam niya na hindi namin alam?


"Ano ba kasing nangyayari? Bakit biglaan ang lahat?" reklamo ko kay Keila. Shit, tsaka nasaan na si Calyx?


"You don't need to know everything because we are all at risk. Pero kung gusto niyong masaksak katulad ko, edi go! Hindi ko kayo pipigilan," panghahamon ni Keila.


One of us was about to answer when we heard a voice outside calling my name. Shit! Si Calyx.


Agad akong tumakbo sa pintuan at nakita si Calyx na parang nagmamadali. Medyo pinawisan din siya pero seryoso parin ang kanyang mukha. Agad ko siyang pinapasok at ni-lock ulit ang pinto.


"May nangyari ba sainyo?" nag-aalalang tanong ni Calyx saamin.


"Wala, but someone's trying to open the door earlier." sagot ko kay Calyx at hinawakan siya sa braso.


"Shit, I knew it." pabulong na sabi niya pero rinig ko naman. Lumapit din si Keila samin bago siya nagsalita.


"Pasalamat ka at nauna ako dito dahil kung hindi, baka sa ospital niyo na abutan ang isa't-isa." sabi ni Keila kay Calyx.


"Thanks, Kei. Akala ko hindi ko na kayo maabutan," sabi ulit ni Calyx at hinawakan ako sa kamay.


"We need to go. Lestina and Heisha sumama kayo kay Keila. Keila, iuwi mo sila ng maayos sa mga bahay nila. Ihahatid ko si Alexa," sabi ni Calyx bago niya kami sinenyasan na umalis na.


Hindi ko ulit ma proseso lahat ng nangyayari. Hindi ako mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Calyx. Panay reklamo at tanong ako sa kanya tungkol sa bagay na ito.


"I'm sorry, I can't explain it to you right now." he answered to me, apologetically.


"Bakit? Ano ba kasing meron? Sabihin mo nalang para hindi na ako kinakabahan. Baka mas makatulong pa kami nito," sabi ko sa kanya. Tangina, kailangan ko talagang malaman.


"No, I don't want you to be involved. Just go with flow and be calm. Huwag kayong kabahan, okay? Kaya namin ni Keila ang ginagawa namin," sagot niya at diretsong nakatingin sa daan.


"Speaking of Keila, kailan pa siya nakabalik?" naguguluhang tanong ko.


"Hindi siya bumalik at hindi na siya babalik," sagot ni Calyx kaya napakunot ang noo ko. Ano daw?


"Gosh, Calyx. Hindi ko ma proseso ang lahat!" reklamo at inis kong sigaw.


"Kaya nga sinabihan kitang kumalma, diba? Ayaw kong ma pressure ka kaya please, kalimutan mo muna ito saglit habang inaayos ko pa." sabi niya at pilit akong pinapakalma.


"Shit, mas naiistress ako nito." inis na sambit ko.


"By the way, Attorney David is on our house." nag-iba ang timpla ng mood ko dahil sa narinig. Am I hearing it right?


"Daddy ni Heisha? What?! Heisha's being worried about his dad at ngayon, nasa bahay niyo lang pala? Bakit?!" OA na react ko. Everything is not right!


"We paid him. We need his help," sagot ni Calyx na mas lalong nagpagulo sakin.


"Huh? Tungkol saan? Bakit niyo binayaran?" tanong ko.


"To figure out something from Lolo," he answered that convinced me to shut up.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon