PART 1 OF 26

297 7 0
                                        

PART 1 OF 26


"Take care. Maghintay ka ulit hanggang sa makarating ako, 'wag na 'wag kang hihiwalay sa mga kaibigan mo." paalam ni Calyx habang hawak ang kamay ko.


Mag e-ensayo ulit kami kaya kailangan munang umalis ni Calyx dahil may aasikasuhin daw siya.


He told me about his fight with his Lolo but I should just ignore it. He told me that it's not a big deal for him especially that his parents are always there with his side, protecting and defending him. And me? He's the one protecting me. I don't know what he's doing right now but I should not meddle since he assured me that everything will be fine. I'm still bothered and I want to help but he didn't let me.


I bid my goodbye to him and hope that he will be safe. After that, I already go inside the dance room and started warming up.


***


"Hoy! Ba't ka tulala diyan?" panggugulat ko kay Heisha habang nakaupo siya sa sulok.


Kaming tatlo na naman ang naiwan nila Lestina at Heisha sa dance room dahil binilinan din sila ni Calyx na huwag akong iwan kapag hindi pa siya nakakarating.


"Huh? Ah, wala." mukhang natauhan din kaagad si Heisha dahil nagulat siya sa presensya ko.


"Okay ka lang ba? Kanina ka pa matamlay ah?" tanong ni Lestina kay Heisha pagkatapos niyang e-lock ang pinto. Baka bigla na namang dumating ang mga eskandalosang babae rito.


"Ewan. Hindi ko alam," medyo malungkot na sagot ni Heisha kaya napahinto ang atensyon namin sa kanya.


"Huh, why? Is there any problem?" I asked while I sat beside her.


"Si dad kasi eh," panimula niya. Jeez, daddy na naman niya ang problema niya. 


Hindi nalang muna kami nagsalita at hinihintay naming dugtungan niya.


"May problema na naman daw pero hindi ko alam kung ano," napakunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Nakasagutan sila ni Senior Salvador sa tawag kagabi. Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit si Daddy at panay ang sigaw niya na halos rinig na sa buong bahay. Tapos, bigla nalang siyang nagpaalam na aalis. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi siya umuwi. I tried contacting him but he can't be reached until now! Medyo kinakabahan na ako!" medyo napaiyak na si Heisha sa sinabi. Nagulat ako at ganoon din si Lestina.


Sir Fausto at Attorney David. Ano ang posibleng nangyari?


"Hell," komento ni Lestina sa yumuyukong si Heisha. Shit, hindi na 'to nakakatuwa.


Bago pa ako makasagot ay biglang kumalampag ang pintuan. Napatayo kaming tatlo dahil sa gulat. Nasa sulok kami at wala namang nakapasok dahil lock ito pero rinig namin ang malakas na kalampag galing sa labas.


Someone is trying to get in.


"Baka si Calyx," sagot ni Lestina.


"No. Feeling ko hindi dahil kung si Calyx 'yan dapat kumatok siya," agap ni Heisha kay Lestina.


Yeah, she's right. Bigla akong kinabahan at nanginginig sa takot.


Kumalampag na naman ito muli at medyo mas malakas na ngayon. May sumisira sa pintuan ngunit hindi ito magawa. Anong nangyayari?


"Huwag tayong lumapit. Hayaan nating mapagod sila sa kakabukas. That door is not a simple door, I know." sambit ko sa kanila at sinusubukang kumalma.


Kung sino man ang nasa labas, sana umalis na siya.


Sunod-sunod na ingay ang aming narinig pero hindi pa rin ito mabuksan. Napahawak kami ng kamay nila Lestina at Heisha at tinatagan ang mga sariling maging matapang.


Calyx, nasaan ka na? Please, we need your help!


Ilang minuto ang tinagal ng ingay hanggang sa unti-unti itong nawawala. Napakalma na kami dahil sa wakas ay wala na ito. Bumitaw na rin kami sa isa't-isa at dahan-dahang lumapit sa pinto para siguraduhing wala nang mga tao sa labas.


Pero bago paman kami makalapit ay may pumihit sa doorknob. Nagulat kami dahil para itong binubuksan gamit ang isang susi. Napahinto kami at nagkatinginan sa isa't-isa.


Shit. This is not funny!


Bumukas kaagad ang pinto at iniluwal nito ang isang taong nakasuot ng itim na hoodie. Dali-dali siyang pumasok at padabog na sinara ang pinto bago ito ni-lock ulit. Hinihingal ito habang hawak ang kanyang dibdib.


"Si-sino ka?" kinakabahang tanong ni Heisha sa taong pumasok.


Umangat ang tingin nito samin bago hinubad ang nakatakip na hoodie. Bigla akong napahawak sa bibig nang makita ko kung sino siya.


It's Keila!


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon