PART 1 OF 28

274 9 0
                                        

PART 1 OF 28


RHIAN


"Mga hangal! Paano kayo nalusutan ng isang babae?! Ang dami niyo tapos natalo pa kayo!" napaatras ako ng konti dahil sa napakalakas na sigaw ni Sir Fausto samin. 


Hindi naman kasi namin inaakala na may susulpot nanaman sa eksena para putulin ang plano namin. Oras na sana 'yon para makuha si Alexa pero may leche talagang dumating na babae!


"We're sorry, Sir. Promise po, gagawin namin ang lahat basta pagkatiwalaan mo ulit kami." pagmamakaawa ni Clifford. Bakit ba kasi napakainit din ng ulo ni Sir Fausto kay Alexa.


"Mga putangina! Huwag niyong sayangin ang pera ko, kundi mauuna kayong maliligpit kaysa sa babaeng 'yun." pananakot ni Sir kaya medyo kinilabutan kami.


"Promise po, Sir madadampot din namin siya sa mas lalong madaling panahon." si Kishandra.


"Bibigyan ko kayo ng pagkakaton upang madampot siya at kung hindi, alam niyo na ang mangyayari." sabi ni Sir Fausto bago kami tinalikuran at naglakad paalis.


"Puta, ba't ba kasi palaging may sumusulpot." inis na sabi ni Kishandra pagkatapos makaalis ni Sir Fausto.


Hindi namin kasama si Rose ngayon dahil alam naming panay sigaw at reklamo lang ang nabibigay niya. Nagiging duwag na din 'yun kaya mas mabuting huwag nang isama.


"Huwag na natin 'yang alalahanin. Ang kailangan nating alamin ay kung ano ang mga gagawin nila," singit ni Clifford.


"Alam ko kung ano," si Josh. Napakunot ang noo namin at tinignan siya.


"Ano?" tanong ko.


"Sa biyernes ang sayaw nila, kailangan nating magplano kung paano siya madadampot." sagot ni Josh kaya nagkatinginan kami at ngumiti.


The show is about to start. 


Humanda kayo Alexa at Calyx.


When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon