PART 1 OF 2
"Tulong! Tulong! Palabasin niyo ako dito!" naiiyak kong sigaw habang hinahampas ang isang pintuan.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito pero nakakatakot ang silid dahil nakakulong akong mag-isa at hindi makalabas. Nanginginig na rin ako habang sumisigaw at nanghihingi ng tulong. Wala akong pakealam kung mawalan ako ng boses dahil ang importante ay makalabas ako dito ngayon.
Napansin ko ang isang maliit na bintana sa dulo ng silid. Maliit lang ang kwarto at kasya siguro ang tatlong tao. Kahit madilim ay nararamdaman ko parin na may mga sirang gamit na naaapakan ko.
Tumingin ako sa maliit na bintana at nagbabakasakaling makalabas ako gamit ito. Pagtingin ko sa labas ay kitang-kita ko ang napakalakas na buhos ng ulan at kasunod nito ay ang nakakatakot na kulog. Wala akong ibang makita sa labas kundi mga kakahuyan at tila ba para akong nasa gitna ng isang gubat.
Tinulak ko ang bintana ngunit hindi ito nasira. I pushed it again and again and again but nothing happened. Napasabunot nalang ako sa sariling buhok at dahan-dahang napasandal sa pader hanggang sa makaupo ako sa sahig.
Napaiyak ako ng malakas at napayakap ng mahigpit sa sariling katawan. Giniginaw na ako dahil sa lamig na dulot ng ulan at dahil na rin sa lamig na dulot ng sahig. Nakapaa lang ako at walang kahit anong suot na tsinelas o sapatos man lang.
"Sino bang gumagawa nito sakin?! Ano bang kasalanan ko?! Please, parang awa niyo na, palabasin niyo na ako dito!" galit na pagmamakaawa ko sa kawalan kahit alam kong walang makakarinig saakin dito.
Bigla akong napatakip saaking tenga dahil sa biglaang pagtunog ng nakakatakot na kulog. Mas nanginig tuloy ako at mas napaiyak. Ano ba talagang ginagawa ko dito? Bakit ba ako nandito?!
Isang napakalakas na sipa ang aking narinig bago ko inangat ang aking paningin sa pintuan na ngayon ay sira at nakabukas na. Someone is standing over there. It's dark but his shadow is visible. I immediately stood up and run towards the person.
Finally!
Tumakbo ako papunta sa lalaki at agad siyang niyakap. Ramdam ko ang basa niyang katawan na siguro ay dulot ng napakalakas na ulan. Hindi ko na pinansin ang basa at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Damn! This is it! I'm finally free!
May ilaw sa labas kung saan sakto lang para makita ko ang lalaking nasa aking harapan. Pero, pagbitaw ko sa kanya ay lalo tuloy akong natakot at nagulat.
I uttered a curse.
Wala siyang mukha! Umatras ako ng umatras hanggang sa mapasandal ulit ako sa pader. I'm not joking! Wala siyang mukha! Kulot ang kanyang buhok pero wala siyang mukha! Fuck!! Ano bang nangyayari?
Unti-unting lumalapit ang lalaki saakin habang ako ay unti-unti ring lumalayo. Hell! This is creepy!
Tapos, bigla kong naalala na nakasandal pala ako sa pader at wala na akong ibang maaatrasan.
"Anong gagawin mo sakin?!" takot na tanong ko sa kanya habang diretso parin siyang lumalapit.
Pero bago pa niya ako malapitan at mahawakan ay bigla nalang dumilim ang buong kapaligiran
"What the hell?!" malakas aking pagkakamura habang napabalikwas galing sa pagkakahiga.
Hinawakan ko ang aking dibdib at naramdamang malakas ang tibok nito. What the hell? Anong klaseng panaginip 'yon?!
I can't clearly remember what happened in my dream but the guy who has no face makes me tremble!
"Ano 'yon? Horror? Tangina naman oh!" sigaw ko ulit sa kawalan.
Tumingin ako sa bintana at nakitang malapit na palang sumikat ang araw kaya napatingin ako sa oras.
5:45 am.
Sabado ngayon pero kailangan kong pumunta sa paaralan dahil may gagawin kaming practice. Ugh!! Nakakatamad pero wala naman akong choice dahil kailangan ko talagang pumunta.
Umiling-iling nalang ako at pilit na kinalimutan ang napakasamang panaginip. Bakit ba ganoong klaseng panaginip ang napapaginipan ko? Kahapon lang ay nakakaiyak 'yon tapos ngayon bigla nalang ako mumultuhin?
Napabuntong-hininga nalang ako at naisipang pumunta sa banyo para makapaghilamos at makapaghanda.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
