PART 1 OF 32

291 7 0
                                        

PART 1 OF 32


Tibay ng loob. Tiwala sa sarili at dasal sa diyos. Sa mga oras na tayo'y nawawalan ng pag-asa ay huwag kalimutang may dadating na bahaghari pagkatapos ng ulan.


"Alexa! Jusko, anak! Sa'n ka ba nanggaling?!" umiiyak na bati saakin ni mama at iniabot saakin ang isang tuwalya.


Namamaga na ang mga mata ko dahil sa kakaiyak pero nang lumapit si mama saakin at napayakap ay mas naiyak pa rin ako.


Then, I saw my father and my older brother. Mabilis nila akong nilapitan at mahigpit na niyakap. Mas napaiyak din ako dahil sa yakap nila.


I'm sorry Ma, Pa at Kuya. Nagkakagulo na ang buhay ko at ayaw kong madamay pa kayo.


I cried out loud while I'm on their arms. This is the most painful shit ever! Seeing your family cry because they care for you. They seemed uneasy but they don't want me to let go of their hug.


Napansin kong magulo ang bahay. Nagkalat ang mga gamit at tila para itong nabagyohan. Ano bang nangyari sa kanila?


Kumawala ako sa pagkakayakap at hinarap silang lahat.


"Ano pong nangyari dito sa bahay?" tanong ko.


"Nagwala ang papa mo kanina, anak." malungkot na sagot ni Mama saakin.


Biglang lumapit si Papa at hinawakan ako sa kamay ng mahigpit. Mas lalong napalakas ang hikbi ko dahil sa ginawa niya.


"Hindi ako mapakali nung mabalitaan kong nawawala ka, anak. Minsan na nga lang tayong magkita tapos babawiin ka pa sakin? Hinding-hindi ko kakayanin 'yun," napaiyak si papa sa harap ko kaya umiyak din ako. Damn, ang sakit.


"I'm sorry din, Alex. Minsan nalang din kita nakakausap kaya hindi ako mapakali kanina," si Kuya. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko dahil dito.


My family, friends and of course, Calyx. I treasured them the most. It hurts me seeing them cry. It feels like kasalanan ko ang lahat.


Magsasalita pa sana ako nung biglang kumalabog ang pintuan ng aming bahay at padabog na tumakbo si Lestina at Heisha papalapit saakin. Napabitaw si papa sa hawak ko at napabaling ang atensyon ko sa dalawang kaibigan na kakadating lang.


"Shit, Alexa! You're finally here!" salubong ni Lestina at niyakap ako.


"Gago, Alexa! Kinabahan kaming lahat!" salubong din ni Heisha at niyakap ako.


Mahigpit ko din silang niyakap at napaiyak ulit. Shit, iiyak lang ba talaga ang trabaho ko ngayon?


Ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon nung napag-isipan na naming humiwalay sa isa't-isa.


"Alexa, anak. Magbihis ka muna. Ipagtitimpla ko lang kayo ng maiinom," malambing na sambit ni mama sa likuran ko.

When The Rain Falls (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon