PART 2 OF 27

220 9 0
                                    

PART 2 OF 27


Three days had passed and Calyx still assured us that everything is going to be fine. Pero hindi talaga ako mapakali dahil halos tatlong araw na kaming kailangan mag-ingat sa paligid namin. 


Hindi ko rin alam kung may alam ba ang ibang mga tao tungkol saaming nararamdaman. Halos hindi rin ako nakakatulog sa gabi dahil sa kakaisip kung kailan matatapos ang pangyayaring ito.


If it was a dream, then I'd rather wake up.


"Alexa," tawag ni Heisha sakin.


"What?" tanong ko.


"Nasaan si Lestina?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko.


"Huh? Ewan. Baka nag cr," sagot ko sa kanya.


Wala kaming practice ngayon dahil dalawang araw nalang bago magsimula ang dance presentation namin. Hindi na rin masyadong pumapasok ang mga guro dahil christmas break na next week. Gosh, time flies so fast.


"Okay," maikling sambit nalang ni Heisha bago bumalik sa upuan niya.


Napansin kong tumingin si Delia sakin kaya inirapan ko siya. Tsk, pabida. Kala mo naman gusto siya ng lahat, eh panay cheat lang naman tuwing exam.


Calyx:

May klase pa kayo?


You:

Wala na. 10 minutes nalang, uwian na.


Calyx:

Okay, I'll be there in 2 minutes. Maghihintay lang ako sa labas ng room niyo.


You:

Okay. Mag-ingat ka.


Calyx:

Always.


Malapit ng matapos ang klase pero hindi parin nakakabalik si Lestina kaya naman nagsimula na akong kabahan. Napatingin si Heisha sakin at alam ko kung anong ibig sabihin niya. Hell, na flush na ba si Lestina sa bowl?


When the bell suddenly rang, I immediately packed my things because we need to find Lestina. Hindi na 'to nakakatuwa. Si Heisha rin ay nagliligpit na ng gamit. I glanced at Lestina's table and saw that her things are still there. Pucha mong babae ka, asan kana?


"Halika puntahan natin sa cr!" nag-aalalang aya ni Heisha sakin.


Lumabas kami kaagad sa classroom para hanapin si Lestina, pero laking gulat namin dahil nakita naming nag-uusap si Lestina at Calyx.


"Freak, nasa labas lang pala ang bruha." komento ni Heisha sa gilid ko at medyo nawala ang kanyang kaba.


Lumapit nalang ako sa kanila at pasimpleng hinila ang buhok ni Lestina habang nakatalikod pa.


"Aray!" napa-aray siya sa ginawa ko kaya mas hinila ko pa ito para makatingin siya sakin. Lumingon din si Calyx sa gawi ko pero hindi ko siya pinansin.


"Gaga ka, pinakaba mo kami." sambit ko at binitawan na ang buhok niya.


"Bruha ka talaga! Akala ko napano ka na," si Heisha naman ang nagsalita.


"Wow ha! Natagalan lang ako sa cr tapos nakasalubong ko si Calyx kaya kinausap ko nalang muna" pagpapaliwanag ni Lestina kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Hali na nga kayo," singit ni Calyx at hinawakan ako sa kamay.


"Kunin mo na 'yung bag mo, Les" utos ni Heisha sa kanya at tumango naman siya.


"Bilisan niyo na kasi naghihintay na si Keila sainyo sa labas," sabi ni Calyx bago umalis si Lestina.


When The Rain Falls (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon