PART 2 OF 25
May mga oras saating buhay na akala natin ay maayos at malinaw na. Pero sa huli, ang lahat ng ito ay akala lang pala.
Akala ko tapos na, pero ang lahat ng ito ay nagsisimula pa lang pala.
"5, 6, 7, 8..." counting ng trainer namin para sa isang dance step. Doble oras kaming nag e-ensayo ngayon dahil sa susunod na linggo na mangyayari ang dance number namin.
Gosh, nakakapagod na pero wala akong ibang choice dahil kailangan ko ito.
Medyo mahirap ang bagong dance step pero kinaya ko naman. We also recycled some of our past choreographies and created a new beat and routine. Sa ganitong paraan ay hindi kami mahihirapan sa pag-adjust.
Hindi rin ako komportableng nagsasayaw dahil sa titig ng mga kasamahan ko saakin.
Nag-iba din ang trato ng iba dahil sa nalaman nilang balita. Tsk, ano bang pakealam nila kung ako naman ang pinili? Napairap nalang ako at nagpatuloy sa pagsasayaw.
Halos tatlong oras din kaming nag-ensayo para ma perpekto ang bagong routine at formations. Hindi rin naging satisfied ang trainer nung una pero kalaunan ay naging okay naman siya.
Pagkatapos ng ensayo namin dito sa dance room ay unti-unti nang umaalis ang mga kasamahan namin. Ang iba ay napapatingin pa sakin at umiirap bago lumabas. Para namang mga tanga 'to.
Nakita ko si Heisha na papalapit sakin habang umiinom ng tubig sa kanyang water bottle. Si Lestina naman ay panay punas ng kanyang pawis.
"Hoy," tawag ni Heisha nang makalapit.
"Hoy ka rin," sagot ko.
"Uwi na tayo," aya niya. Napansin ko ring papalapit si Lestina samin bago ako sumagot.
"Hihintayin ko muna si Calyx," sagot ko. Sabi kasi ni Calyx ay hintayin ko daw siya dito bago kami umuwi.
"Ay oo nga pala may jowa ka. Sana all!" pang-aasar niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.
"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" biglaang singit ni Lestina paglapit samin.
"Kapal," maikling sambit ni Heisha kaya napa buntong-hininga nalang ako.
Hindi ko namalayan na kaming tatlo nalang pala ang naiwan dito sa loob. I'm still waiting for Calyx and damn, malapit ng mag ala-sais ng gabi.
Wala kaming nagawa kundi maghintay at mag chikahan nalang. At habang kami'y nag-uusap ay biglang kumalabog ang pinto hudyat na may pumasok. Akala ko si Calyx na ito pero iba pala.
Napatayo kaming tatlo habang taas-kilay na tinignan ang pagpasok ng cheerleading team. Well, except for Keila.
Steffi was standing on the center while crossing her arms.
"What?" tanong ko kaagad sa kanila. Mag e-eskandalo na naman ba ang mga babaeng 'to?
"Kapal talaga ng mukha mo! Nilalandi mo talaga ang pinsan ko habang wala si Keila," medyo may galit sa kanyang tono kaya napakuyom ang kamay ko.
"Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan?" taas-kilay kong tanong. Tangina mo, Steffi! Nanggugulo ka na naman.
"Pineperahan mo lang ba ang pinsan ko, ha? Kasi we all knew in the first place that it should be Calyx and Keila. Pero anong ginawa mo? You took advantage of Keila's accident to make Calyx yours!" gigil na sabi ni Steffi at tinuro-turo pa ako. Ang iba naman niyang mga kasama ay napa-irap saakin.
Naramdaman ko ring susugod na si Lestina pero pinigilan siya ni Heisha. Napasinghap ako ng malakas bago nilapitan si Steffi.
"Hoy!" panimula ko. "Una sa lahat, hindi ko pineperahan si Calyx. Pangalawa, hindi ko siya nilandi! Kasalanan ko bang ako ang napinili niya? Kaya pwede ba, umalis ka na dito kung ayaw mong masabunutan kita!" pananakot ko sa kanya. Nanggigigil na talaga ako sa babaeng 'to ha.
"Fuck you! Alam mo bang nag-away si Lolo at si Calyx dahil sayo? At alam mo bang nasuntok si Calyx?! Gulo lang talaga ang dulot mo sa buhay namin! Bakit ka pa ba ipinanganak sa mundong ito?!" para akong sinaksak ng isang daang kustilyo sa dibdib dahil sa sinabi ni Steffi. Para akong nawalan ng rason upang mabuhay sa mundong ito.
Pero bago paman may makapagsalita saamin ay biglang bumukas ang pintuan. Napalingon kaming lahat dito kaya napaatras si Steffi at ang iba niyang kasamahan.
Calyx was mad and he gestured something to Steffi that made them all to go out from the room.
BINABASA MO ANG
When The Rain Falls (COMPLETED)
Teen FictionEverything comes to an end, and it all ended while a heavy rain is falling. 2020
